• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Kilalanin si Dominic Roque, ang nakapagpa-mine kay Bea Alonzo

Richard de Leon by Richard de Leon
August 17, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Kilalanin si Dominic Roque, ang nakapagpa-mine kay Bea Alonzo

Larawan mula sa IG/Dominic Roque

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang opisyal na pag-amin nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang relasyon, naging sunod-sunod na lalo ang pagpapakita nila ng public display of affection o PDA sa kani-kanilang social media accounts. Maraming nagsasabing bagay na bagay sila at suwerte umano si Bea na nakatagpo siya ng isang lalaking magmamahal sa kaniya nang tapat, matapos ang “mala-bangungot” na karanasan sa nakalipas niyang relasyon.

Ngunit sino nga ba si Dominic Roque na nakabihag sa puso ng award-winning actress na gaya ni Bea Alonzo? Ang buong pangalan niya ay Dominic Karl Manalo Roque na ipinanganak noong Hulyo 20, 1990 mula sa Cavite. Ang kaniyang mga magulang ay parehong negosyante; ang kaniyang ama ang CEO ng kanilang kompanya habang ang ina naman na si Lena Roque ay ang company president. Tumutulong-tulong din si Dominic sa pagma-manage ng kanilang negosyo.

Larawan mula sa IG/Dominic Roque

Si Dominic ay nagtapos ng kaniyang hayskul sa Imus Institute at natapos naman niya ang kursong Tourism sa De La Salle University-College of Saint Benilde.

Bago pasukin ang pag-arte ay nasa mundo muna siya ng modelling. Noong 2008, naging modelo siya ng Cosmopolitan Talent Agency, at ng sikat na clothing line na Penshoppe.

Noong 2010, tuluyan na siyang sumabak sa pag-arte sa ilalim ng ABS-CBN at Star Magic (hanggang ngayon). Ang debut onscreen niya ay teleseryeng “Habang May Buhay” bilang Mark. Noong 2012, ipinagkatiwala sa kaniya ang maging leading man ni Ella Cruz para sa fantaseryeng “Aryana.” Naging bahagi rin siya ng remake ng “Pangako Sa ‘Yo” kasama ang KathNiel.

Pagdating naman sa mga pelikula, ilan sa mga nagawa niya ay ang “Spirit of the Glass 2: The Haunted,” “My Ex and Whys,” “Seklusyon,” “Crazy Beautiful You,” at “Pagpag: Siyam na Buhay.”

Malinaw na nagkakilala sina Dominic at Bea noong nasa bakuran pa ng ABS-CBN ang aktres. Nagsimula ang espekulasyon hinggil sa kanilang dalawa, nang mag-post si Dominic ng isang litrato sa kaniyang Instagram account noong July 21, 2020 kung saan ang nakalagay sa caption ay “Tila ako’y nabighani.” Batay sa naturang larawan, tila nasa loob sila ng isang restaurant at parehong hindi ipinakita ang kanilang mukha. Ang tanging pagkakakilanlan ng babaeng kasama niya ang pangalan nito, matapos i-tag ang aktres.

Larawan mula sa

Naging sunod-sunod na nga ang pagpo-post nila ng mga larawan nila, bagama’t wala silang kinukumpirmang kahit na ano sa kanilang relasyon.

Matapos pumirma ni Bea Alonzo ng exclusive contract sa GMA Network noong Hulyo 1, lumipad silang dalawa ni Dominic patungong America para sa one month-long vacation. Sa vlog ni Bea, makikita ang kanilang mga pinuntahan at ginawa ni Dominic.

Pagbalik ng dalawa sa Pilipinas noong Agosto 9, kinumpirma na nga ng dalawa ang kanilang relasyon.

Did Bea Alonzo call Dominic Roque 'hon'? – Manila Bulletin
Larawan mula sa Manila Bulletin

“It wasn’t as if like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. Or masyado akong nag act upon what I was feeling. It just came out naturally,” paliwanag ni Bea sa panayam ng isang television program.

“It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. S’yempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official.” dagdag pa niya.

Si Dominic ay 31 habang si Bea naman ay 33.

Tags: bea alonzoDominic Roque
Previous Post

Pangulong Duterte, hindi binantaan ang COA — Roque

Next Post

Panimula: Sapere Aude

Next Post
Panimula: Sapere Aude

Panimula: Sapere Aude

Broom Broom Balita

  • Andoy Ranay, may sagot sa bashers na nagkukumpara sa ‘Dirty Linen’ at ‘Widow’s Web’
  • Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaking isda sa Cagayan
  • Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua
  • Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day
  • ‘Don’t let words bring you down!’ Martin Nievera, nagbigay ng moral support kay Jed Madela
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.