• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

‘Call boy’ na mayor; pagsipa ng kaso ng COVID-19, nakababahala!

Balita Online by Balita Online
August 15, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
4.2 milyong Pinoy, nagugutom
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Lubhang nakababahala nang talaga ang bigla at mabilis na pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa, laluna sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Ayon sa mga report, 54 na lugar, kabilang ang 11 sa NCR, ang isinailalim sa Alert Level ng Department of Health (DOH) bunsod ng pagsipa at pagdami ng kaso ng Covid-19 at iyong tinatawag na “high health care utilization rate” o HCUR.

Tinanong ako ng kaibigang kainuman sa kape (sa labas) kung ano ang ibig sabihin ng Alert Level 4 at HCUR. Batay sa nabasa ko, klasipikadong Alert Level 4 ang isang area o lugar kapag ang kaso ng Covid-19 ay mataas at patuloy sa pagtaas, at ang HCUR nito ay mahigit sa 70 porsiyento kahit walang presensiya ng Delta variant.

Sa press briefing ng DOH, sinabi ni Usecretary Maria Rosario Vergeire (kung bigkasin ay Verheri), na ang 11 lugar sa NCR ay Las Pinas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig at Valenzuela.

Sa puntong ito, tinanong ako ng ex-GF kung kasama ang Pasig City. Sinabi kong hindi kabilang. Sabi ko sa kanya, relax ka lang tutal bakunado na tayo (two jabs) kaya kahit papaano bagamat tayo ay matatanda na, este senior na, iiwasan tayo ni Covid.

Idinagdag ni Vergeire na kabilang din sa data ang Zambales at Guimaras na dati ay nasa ilalim ng Alert Level 2 lang. Aniya, ang mga lugar sa Antique, Bohol, Zamboanga del Sur at North Cotabato ay sumipa rin mula sa Alert Level 3 at naging Alert Level 4.

Mga kababayan at kaibigan, habang sinusulat ko ito, tatlong araw na sa pagsirit ang bilang ng kaso ng pandemya. Dalawang araw na lampas sa 12,000 kaso at nitong Biyernes, biglang naging 13,177 ang bagong kaso kung kaya ang kabuuang bilang ay umabot sa 1,713,302.
                                                                                      -0-0-0-0

Pinalawig pa ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang travel ban hanggang sa katapusan ng buwang ito sa mga pasaherong papunta sa Pilipinas mula sa 10 bansa bilang bahagi ng border control measures laban sa mapanganib at higit na nakahahawang Delta variant. Kabilang sa bawal pumasok sa Pinas ay ang galing sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia. Exempted naman ang mga Pilipino na nag-avail sa repatriation program ng PH government o ng special flights.

Sa televised address ni Mano Digong noong nakaraang linggo, binanatan niya ang isang mayor sa Metro Manila na hindi umano marunong mag-organisa sa pagbabakuna sa kanyang constituents kung kaya nagkakagulo at kahit umuulan ay siksikan sa vaccination sites. Sino ka ba Mr. Mayor?  

Dahil dito, inalisan niya ng poder ang nasabing Metro Manila mayor na mag-distribute ng mga ayuda sa mga taong apektado ng Enhanced Community Quarantine. Lumikot ang guniguni ng mga Pinoy at hinulaan nilang si Yorme (Manila Mayor Isko Moreno) ang pinatutungkulan ng Pangulo. Siya nga kaya ang alkaldeng ito na tinawag pa ni PRRD na isang “Call boy”?. 

Previous Post

Basilan, kampeon sa VisMin Super Cup

Next Post

Bengkulu sa Indonesia, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol— USGS

Next Post
Bengkulu sa Indonesia, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol— USGS

Bengkulu sa Indonesia, niyanig ng 5.0-magnitude na lindol— USGS

Broom Broom Balita

  • Bilang ng nahawaan, tumaas? 819, nagpositibo sa HIV sa QC
  • Paano na ang iniwang kondisyon kay Jak? Barbie Forteza, ‘not so sure’ pa sa pag-aasawa
  • Andrew Schimmer, miss na miss na ang pumanaw na asawa: ‘I miss taking care of you’
  • Vilma Santos sa kaniyang apo na si Peanut: ‘Momsie Vi loves you so much’
  • Wilbert Tolentino, bet tulungan si Kapuso star Sanya Lopez kung sumabak na rin sa pageantry
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.