• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

41 katao, arestado sa pagdalo ng birthday party; Mayor Vico: ‘ang titigas ng ulo!’

Balita Online by Balita Online
August 13, 2021
in Balita, National / Metro
0
41 katao, arestado sa pagdalo ng birthday party; Mayor Vico: ‘ang titigas ng ulo!’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Arestado ang 41 na indibidwal matapos lumabag sa quarantine regulations dahil sa pagdiriwang ng kaarawan sa isang events place sa Pasig City, ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Biyernes, Agosto 13.

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter
Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter

Ayon kay Sotto, kaagad na ring ipinasara ng Pasig Business Permits Licensing Office (BPLO) ang Royana Events Place sa Bgy. Kalawaan matapos ang insidente.

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Twitter

“Ang titigas ng ulo!” pahayag ni Mayor Sotto sa kanyang Twitter post. 

Ang titigas ng ulo!

41 KATAO NAHULI SA BIRTHDAY PARTY SA ROYANA EVENTS PLACE.

Pinasara na rin po natin ng BPLO ang nasabing events place sa Axis Rd, Brgy. Kalawaan

Salamat sa ating kapulisan at pati sa concerned citizen na nag-report (hindi ito kita mula sa main road)#ECQ pic.twitter.com/TOI3mnLIH8

— Vico Sotto (@VicoSotto) August 13, 2021

Ayon pa sa alkalde, inireport ng isang concerned citizen ang birthday party, na hindi kita mula sa main road.

Samantala, sinabi ng may-ari ng Royana Events Place sa mga pulis na tinuloy nila ang pagdiriwang dahil na-book ito noong Hunyo nang pinapayagan pa ang maliliit na pagtitipon.

Ayon sa Pasig Police, ang 41 violators ay binigyan ng violation tickets at kailangang ayusin ito sa City hall at isasailalim din ang mga ito sa swab test.

“Appropriate charges will be filed against the involved personalities while a cease and desist order was issued by the City Government of Pasig to the establishment,” ayon sa pahayag ng Pasig Police.

Matatandaang sa ilalim ng ECQ, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng anumang pagtitipon o mas gatherings, na maaaring maging super spreader events.

Jel Santos

Tags: birthday partyBPLOECQMayor Vico SottoPasig City
Previous Post

ECQ ayuda para sa MM residents, dinagdagan pa ng ₱3.4B

Next Post

5th Season na! PH Football League, target sumipa sa labas ng MM next month

Next Post
5th Season na! PH Football League, target sumipa sa labas ng MM next month

5th Season na! PH Football League, target sumipa sa labas ng MM next month

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.