• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Duterte, ibibigay ang panguluhan kay VP Robredo kapag tinamaan siya ng virus

Balita Online by Balita Online
August 12, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
4.2 milyong Pinoy, nagugutom
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakahanda si President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na ibigay ang panguluhan kay Vice President Leni Robredo sakaling siya ay tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at madisgrasya.

Desidido ang Pangulo na lumabas para makausap ang mga tao kahit naroroon ang panganib na mahawaaan siya ng coronavirus disease, laluna ng mas mabagsik at mabilis makahawang Delta variant. Ingat na ingat ang Presidential Security Group (PSG) sa kanyang kalusugan kung kaya hindi siya basta-basta pinapayagang lumabas para makipagpulong sa kung saan-saan at kani-kanino.


Tanggap ni PRRD na si VP Leni ang susunod na Pangulo kapag siya ay tinamaan o na-infect ng nakatatakot na sakit habang tumutupad sa tungkulin.      Ganito ang pahayag ni Mano Digong: “Magplano ako, sabihin ko sa kanya huwag mo akong pilitin, Dok, na hindi makalabas kasi ‘yung mga tao gusto akong makita”. Sinabi niya ito sa televised address noong Lunes, Agosto 9.  

“Bahala na ang Diyos sa akin kung anong mangyari. Kung dadapuan ako ng Delta, wala na. Si — nandiyan naman si Leni Robredo ang sa succession. Eh ‘di kahit sa kanya na”. Tunay, wala na siyang magagawa pa sakaling salakayin siya ng Delta variant. Kahit ang minamahal niyang mga pulis at sundalo, hindi kayang harangin ang veerus, este virus, na hanggang ngayon ay ayaw lumayas sa minamahal natin at naghihirap na Pilipinas.

Tahasang sinabi ni PRRD na ngayon ay 76 anyos at bakunado na, handa niyang harapin ang kamatayan. Ang kanyang mga galaw at kilos ay nililimitahan ng kanyang security team bilang bahagi ng kaligtasan at kalusugan niya laban sa salot.

Dagdag pa ng Presidente: “‘Pag iyan ba ang suwerte ko sa pagsisilbi ng tao, mamamatay ako, eh ‘di mamamatay ako. Lahat naman tayo dito may panahon-panahon sa mundo.”  Tama siya rito sapagkat walang tao sa mundong ito ang nakaligtas sa kamatayan. Pati nga si Kristo na anak ng Diyos ay namatay. Ang kaibhan lang ni Hesus, siya ay muling nabuhay at dinaig ang kamatayan pagkatapos ng tatlong araw.

Sa banner story ng isang English broadsheet noong Miyerkules, ganito ang nakalagay: “Rody mocks mayor, ayuda power stripped.” Sino kaya ang Mayor na ito? Katwiran ni PRRD, wala raw kakayahan ang alkalde na mag-organisa at nagkakagulo ang mga tao.

Sa halip, inatasan niya si DILG Secretary Eduardo Año at ang DSWD na mamahala sa pamamahagi ng ayuda sa mga tao. Dahil umano sa kawalang-kakayahang mag-organisa ng nasabing Mayor at mamahagi nang tama at maayos, nagreresulta ito sa disorder o pagkakagulo.

Sino kaya ang Mayor na ito? May nagsasabing si Yorme raw o Manila Mayor Isko Moreno. Gayunman, hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sino ito sa kanyang televised address. Samakatwid, umiiral ngayon ang labanan ng Malacañang at ng City Hall na pinamamahalaan ng naturang alkalde.

Previous Post

Ilang bahagi ng Mindanao, niyanig ng 7.1-magnitude na lindol

Next Post

‘Pandemic effect’ ad ng Belo Medical Group, umani ng batikos

Next Post
‘Pandemic effect’ ad ng Belo Medical Group, umani ng batikos

'Pandemic effect' ad ng Belo Medical Group, umani ng batikos

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.