• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Kilalanin si Arianne Cerdeña — ang pinakaunang Pilipina na nakasungkit ng gold sa Olympics pero hindi kinilala

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
August 11, 2021
in Features
0
Kilalanin si Arianne Cerdeña — ang pinakaunang Pilipina na nakasungkit ng gold sa Olympics pero hindi kinilala

Larawan: Arianne Cerdena Valdez/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Taong 1924, nang magsimulang lumahok ang Pilipinas sa World Olympics. Sa loob ng 97 taon, nakapag-uwi ang bansa ng 12 medalya — isa dito ang unang gintong medalya mula kay Hidilyn Diaz.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, bukod kay Diaz, may isang pang babae na nagngangalang Arianne Cerdeña, ang minsan nang nakapag-uwi ng gintong medalya sa World Olympics ngunit hindi ito opisyal na kinilala dahil “demonstration sports” lamang ito noong panahong iyon.

Si Cerdeña, ang sana’y kauna-unahang gold medalist ng Pilipinas matapos manalo sa tenpin bowling women’s category.

Larawan: Arianne Cerdena Valdez/FB

Dahil “demonstration sports” o nilaro lamang ang bowling upang i-promote ang sports na ito kaysa gawing standard medal competition, hindi binilang ang pagkapanalo ni Cerdeña bilang gold medalist.

Sa edad na 19, sumalang si Cerdeña sa 1981 South East Asian Games o SEA Games. Ito rin ang kaniyang unang laro bilang miyembro ng national team ng bansa.

Maraming medalya ang naiuwi ni Cerdeña para sa bansa. Taong 1983 nang masungkit niya ang silver sa World Tenpin Bowling Championships. Bronze naman sa doubles sa Asian Games noong 1986 sa Seoul, South Korea at Gold sa team of five.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang karera sa larong bowling, naiuwi naman niya ang silver medal (single at doubles) sa World Games noong 1989 na ginanap sa Karlsruhe, West Germany.

Nasungkit naman niya ang kampeonato sa 1999 SEA Games (singles) na ginanap sa Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam. Gayon din sa 2001 SEA Games (doubles) sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matapos ang 2001 SEA Games, nag-retiro si Cerdeña bilang professional athlete upang pasukin ang bagong mundo niya — ang pagiging nars. Matapos mag-retiro, lumipad patungong U.S. si Cerdeña upang mag-aral.

Larawan: Arianne Cerdena Valdez/FB

Ngayon, isa nang registered nurse si Cerdena, kasama ang kaniyang asawa at anak. Nagtatrabaho siya sa California Medical Center Medical Surgery Unit at isa nang COVID-19 frontliner.

Tags: Arianne CerdeñabowlingOlympics
Previous Post

Nakitaan ng eye injury: Spence, umatras sa laban nila ni Pacquiao

Next Post

Paulo Avelino, naghanap ng kainuman online

Next Post
Paulo Avelino, naghanap ng kainuman online

Paulo Avelino, naghanap ng kainuman online

Broom Broom Balita

  • ‘Cuteness Overload!’ Mga pusang tutok sa panonood, kinaaliwan
  • Parak na ‘lover’ ng misis, pinatay! Pulis na suspek, dinakip sa kampo sa Davao
  • ‘Angat Buhay’ ni Atty. Leni Robredo, chosen charity muli sa ‘Family Feud’
  • Heart Evangelista, huwag daw ma-pressure na magkaroon ng anak, sey ni Lolit Solis
  • ‘Happy birthday, Kuya!’: Tricycle driver, nagpa-free ride sa kaniyang kaarawan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.