• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH: ECQ sa NCR, posibleng ma-extend pa

Balita Online by Balita Online
August 10, 2021
in Balita, National / Metro
0
Muling pagpapatupad ng ‘NCR Plus Bubble,’ iminungkahi ng OCTA

(Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Posible umanong mapalawig pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy pang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, palaging nandiyan ang posibilidad ng pagpapalawig ng ECQ dahil kahit na umiiral na ang dalawang linggong ECQ ay patuloy pa ring tataas ang mga maitatalang COVID-19 cases.

“Nandiyan lagi ‘yung posibilidad because based on our projections, kahit magkaroon tayo ng dalawang linggong ECQ, patuloy pong tataas ang mga kaso natin,” ayon kay Vergeire, sa panayam sa telebisyon. “Ang atin po lang objective for this ECQ is for us to prepare the system para mas ma-manage natin itong ganitong klaseng sitwasyon.”

Nilinaw naman ni Vergeire na ito’y kailangan pa ring talakayin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“As to the extension of ECQ, of course, ito po ay pag-uusapan sa IATF,” aniya pa.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nakasailalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat ng mga kaso ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi lamang ang lockdown ang dapat na asahan, kundi kailangan ring magsagawa ng iba pang mga pamamaraan upang mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

“But based on what’s happening right now at ang patuloy na pagtaas ng kaso, hindi lang po ang lockdown ang dapat asahan natin and government is gearing towards that,” aniya.

“Kailangan nating paigtingin ‘yung iba pa nating ginagawa sa response so that economically hindi rin tayo masyadong ma-burden. So pag-uusapan ho lahat ‘yan sa IATF,” dagdag pa ni Vergeire.   

Nitong Lunes, una nang kinumpirma ni Vergeire na balik na sa high-risk ang klasipikasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang COVID-19 cases nitong nakalipas na dalawang linggo. 

Mary Ann Santiago

Tags: dohECQecq extensionncr
Previous Post

Pinaigting na anti-fixing operation ng LTO, pinuri ng ARTA

Next Post

#BuwanNgWika2021: Anong pinagkaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino?

Next Post
#BuwanNgWika2021: Anong pinagkaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino?

#BuwanNgWika2021: Anong pinagkaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino?

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.