• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

#BuwanNgWika2021: Anong pinagkaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino?

Richard de Leon by Richard de Leon
August 11, 2021
in Features
0
#BuwanNgWika2021: Anong pinagkaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino?

Larawan mula sa KWF

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto, tiyak na abalang-abala na naman ang mga guro ng asignaturang Filipino at iba pang mga propesyunal sa wika upang gunitain ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Ngayong 2021, ang tema ng pagdiriwang ay ““Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Screenshot mula sa KWF

Ngunit nakalulungkot na kahit halos isang buwan ang inilalaan para gunitain ang pagkakaroon ng wikang pambansang magbubuklod sa lahat, tila hindi pa rin malinaw sa marami kung ano nga ba ang pagkakaiba ng wikang Tagalog, wikang Pilipino, at wikang Filipino.

Ang wikang Tagalog ang pinagbatayang katutubong wika upang mabuo ang wikang pambansa. Mula sa kauna-unahang panahon ng ating mga ninuno hanggang sa panahon ng pamahalaang Commonwealth, naging problema ng bansa kung ano ang magiging wikang panlahat na makapagbubukod sa buong kapuluan.

Maaalala rin na Espanyol at Ingles ang mga wikang ginagamit na panturo sa mga paaralan bunga ng matagal na pananakop nila. Dahilan dito, nang isulong ang pagbubuo ng Konstitusyon noong 1935, sinikap ng mga mambabatas na magkaroon ng probisyon para sa pagkakaroon ng isang wikang tatawaging pambansang wika. Nakasaad iyon sa sa Artikulo 14 Seksyon 3 ng Konstitusyon 1935.

Pinangunahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang mga hakbang tungo sa seleksyon ng magiging pambansang wika. Naitatag ang Surian sa Wikang Pambansa o SWP. Nagsagawa sila ng mga pag-aaral batay sa mga wikang katutubong maaaring pagpilian, at ang namukod-tangi nga ay wikang Tagalog. Ginawang criteria sa pagpili ang mga sumusunod: wikang may maunlad na estruktura nito, may mekanismo at panitikan, at ginagamit ng nakararaming Pilipino.

Matapos ang ilan pang mga pormal na proseso, ipinahayag na simula Hulyo 4, 1946, sa bisa ng Batas Commonwealth Blg. 570, isa na ang Tagalog na gagamitin bilang wikang opisyal sa mga sangay ng pamahalaan.

Marami ang kumontra sa pagkakapili ng Tagalog bilang wikang pambansa dahil ‘bias’ umano ito, kaya naman pinalitan ito ng terminong wikang PIlipino noong Agosto 13, 1959, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. Ang paggamit ng terminong Pilipino ay isang hakbang tungo sa pag-aalis ng rehiyunalismo at nagbubunga ng pagsasabansa ng dating panrehiyon o diyalekto (Catacataca, et al, 2005). Pinalitan ang SWP ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o LWP.

Hindi naglaon, sa bisa ng Konstitusyon 1987, muling pinalitan ang terminong wikang Pilipino sa wikang Filipino. Nakasaad ito sa Artikulo 14 Seksyon 6. Ibig sabihin, ang wikang Filipino ay komposisyon ng wikang Tagalog, mga wikang katutubo sa Pilipinas, at mga banyagang wika na nasa sistema na natin. Pasok na rito ang walong hiram na letra gaya ng c, f, j, ñ, q, v, x, at z. Ang LWP ay naging Komisyon sa Wikang Filipino o KWF. Sa kasalukuyan, ang punong komisyoner nito ay si Arthur Casanova.

Screenshot mula sa PNA

Kaya naman, kung tatanungin ka kung ano ang wikang pambansa ng Pilipinas, batay sa Saligang-Batas, ito ay wikang Filipino.

Tags: FilipinoKomisyon sa Wikang Filipino (KWF)Pilipinotagalog
Previous Post

DOH: ECQ sa NCR, posibleng ma-extend pa

Next Post

“Marami akong napagdaanan na experiences and I had to learn the hard way about love”—Angel

Next Post
“Marami akong napagdaanan na experiences and I had to learn the hard way about love”—Angel

"Marami akong napagdaanan na experiences and I had to learn the hard way about love"---Angel

Broom Broom Balita

  • RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox
  • Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’
  • Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’
  • Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit
  • Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos
RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

RITM, gagawing isolation facility para sa mga mahahawaan ng monkeypox

May 26, 2022
Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

Rodjun Cruz, kumpiyansa sa magiging administrasyon ni BBM: ‘Alam ko na gagawin niyo ang lahat…’

May 26, 2022
Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

Tito Sotto, hindi ‘bitter’ sa pagkatalo: ‘Masarap mabuhay ng walang masamang tinapay sa kapwa’

May 26, 2022
Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

Bea, tinawag na starlet, mukhang matanda na raw kumpara kay Marian, parang tiyahin ni Alden—Lolit

May 26, 2022
Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

Soberanya ng Pilipinas, ipagtatanggol ng administrasyong Marcos

May 26, 2022
Robredo spox Barry Gutierrez, kinuwestiyon ang Marawi rehab: ‘Apat na taon na, hindi pa rin tapos’

Barry Gutierrez, nagpasalamat sa mahigit 15 milyong bumoto kay Vice President Leni Robredo

May 26, 2022
‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

‘Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?’: Michael V, sa tula idinaan ang saloobin sa eleksyon

May 26, 2022
Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

Trailer truck, nawalan ng preno; Rider, patay

May 26, 2022
Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

Pokwang, K Brosas, tanggap na ang bagong admin, pero proud na bumoto sa Leni-Kiko tandem

May 26, 2022
Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

Miss Trans Global 2020, tanggap na ang resulta ng halalan, pero titindig pa rin bilang Kakampink

May 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.