• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Concerned netizen, nanawagan ng tulong para sa dalawang batang may sakit na namamalimos sa kalsada

Richard de Leon by Richard de Leon
August 7, 2021
in Features
0
Concerned netizen, nanawagan ng tulong para sa dalawang batang may sakit na namamalimos sa kalsada

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Viral ngayon ang Facebook post ng isang concerned netizen na si Pearl Jhene David matapos niyang ibahagi ang nakadudurog ng pusong engkuwentro niya sa dalawang batang nanlilimahid at namamalimos sa isang overpass: ang isa, inaapoy pa ng lagnat!

Salaysay ni Pearl sa panayam ng Balita Online, ginawa niya ang post hindi para magpapansin o magbida-bida, gusto raw umano aniyang makatulong sa magkapatid. Naraanan niya sa isang overpass ng isang mall sa Pampanga ang dalawang batang namamalimos na may balot pa ng plastik sa katawan, dahil umulan-ulan nang mga panahong iyon.

Nang usisain ni Pearl ang dalawang bata, sinabi ng panganay na si Aldrin na namamalimos sila dahil may sakit ang bunsong si Santino. May urinary tract infection daw ito o UTI. Ang nanay raw nila na si Arlyn Ortega ay nangangalakal ng basura upang may pantawid-gutom sila.

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David
Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

“Halos madurog yung puso ko at naiiyak noong nakita ko silang dalawa lalo na yung bata, kasi nilalagnat. Nanginginig pa siya habang mahimbing na natutulog sa may hagdan. Tinanong ko kung nasaan yung Papa nila, may sakit din daw, lagi raw nahihilo at nilalagnat,” aniya sa Facebook post.

“Pinapauwi ko na sila kasi maggagabi na at napakalakas ng ulan, ayaw pa nilang umuwi. Gusto raw nilang makalimos sila kahit P200 pesos lang para may ipambili sila ng bigas at uulamin pati na rin ng gamot ni Baby Santino. Halos gusto ko na silang iuwi sa bahay pero paano kapag hinanap sila ng magulang nila?”

Larawan mula sa FB/Pearl Jhene David

Kaya naman ang tanging nagawa na lamang niya ay bigyan nang kaunting pera ang dalawang bata. Ibinigay rin niya kay Aldrin ang cellphone number niya at binilinan itong sabihing sa Mama nila na tawagan siya, upang makahanap pa siya ng ibang paraan upang matulungan sila.

Panawagan ni Pearl sa mga netizen na madaraanan ang dalawang bata sa overpass ng SM/Robinsons Starmills, sana raw ay matulungan sila.

“Sana kahit papaano makatulong itong ginawa kong pag-post para may tumulong sa kanilang magkapatid lalo na kay Baby Santino na may sakit. Halos ‘di na po makabangon yung bata kanina, nanghihina siya sa gutom,” ani Pearl.

Ibinigay naman ni Pearl ang kaniyang GCash number sa FB post niya, para sa mga taong maaabot ng kaniyang viral post, at nang mabigyan ng tulong ang pamilya ng dalawang bata. Giit niya, anuman ang malilikom niya ay hindi naman niya gagamitin sa personal na pangangailangan, kundi para nga sa mga bata, lalo na kay Santino.

Tags: Aldrin and SantinopampangaPearl Jhene Davidtwo kids
Previous Post

Biro sa ECQ: ‘Sarado na naman ang tulay na nagdurugtong sa mundo ng mga tao at ‘Hathor’

Next Post

20-anyos na lalaki, nanaksak sa Tokyo train, arestado

Next Post
20-anyos na lalaki, nanaksak sa Tokyo train, arestado

20-anyos na lalaki, nanaksak sa Tokyo train, arestado

Broom Broom Balita

  • ‘May magrereklamo ba sa concert?’ Netizens, takang-taka na guest si Raffy Tulfo sa ‘Pinakamakinang’ concert
  • Ogie Diaz, papasukin na rin ang podcast: ‘Support n’yo ko ha?’
  • Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi
  • ‘Ambag ko po, Mommy!’ Aso, inabutan ng bente ang kaniyang fur parent, kinagiliwan!
  • Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.