• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH, nakapagtala pa ng 119 bagong Delta variant; total na kaso, 450 na

Balita Online by Balita Online
August 6, 2021
in Balita, National / Metro
0
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaabot na ngayon sa 450 ang total cases ng Delta variant ng COVID-19 na naitala sa bansa.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) sa kanilang PH Genome Center Biosurveillance Report na nakapagtala pa sila ng karagdagan pang 119 bagong kaso ng Delta variant sa bansa nitong Biyernes.

Bukod naman sa mga Delta variants, nakapagtala rin ang ng 125 karagdagan pang kaso ng Alpha variant, 94 kaso ng Beta variant, at 11 kaso ng P.3 variant mula sa latest batch ng mga samples na isinailalim sa sequencing ng UP-PGC.  Nabatid na umaabot na sa 10,473 ang kabuuang samples na na-sequenced ng UP-PGC.

Ayon sa DOH, sa bagong 119 Delta variant cases, 93 ang local cases, 20 ang Returning Overseas Filipinos (ROF), at anim ang biniberipika pa kung lokal o ROF cases.

Sa 93 local cases, 18 cases ang nasa National Capital Region (NCR), habang 14 ang mula sa CALABARZON, 18 sa Central Luzon, 31 sa Western Visayas, walo sa Northern Mindanao, at may tig-isang kaso ang Central Visayas, Eastern Samar, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Base sa case line list, 118 kaso ang nakarekober na habang isa ang biniberipika pa kung ano ang kinalabasan.  Lahat ng iba pang impormasyon ay bina-validate ng regional at local health offices.

“This brings the total Delta variant cases to 450. Delta variant cases have been detected in all 17 cities and municipalities in NCR,” anang DOH.

Sa kabuuang 450 Delta variants o B.1.617.2 variant, na unang natukoy sa India, 12 pa ang aktibong kaso, 428 ang nakarekober na, at siyam naman ang kumpirmadong binawian ng buhay.

Samantala, sa mga bagong 125 Alpha variants naman, 115 ang local cases, anim ang ROFs, at apat ang kasalukuyang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Base sa case line list, tatlo sa mga ito ang namatay na at 122 kaso ang nakarekober na.

Sa ngayon mayroon nang kabuuang 2,093 Alpha variant cases sa bansa, o B.1.1.7 variant na unang natukoy sa United Kingdom, kabilang ang 18 aktibong kaso, 1,951 ang nakarekober na, at 122 ang binawian ng buhay. 

Anang DOH, sa bagong 94 Beta variant cases, 89 ang local cases, tatlo ang ROFs, at dalawang kaso ang biniberipika pa kung local o ROF cases.

Base sa case line list, pito sa mga ito ang namatay habang 87 kaso ang nakarekober na.

Sa kasalukuyan, mayroon na umanong 2,362 total Beta variant cases sa bansa, o B.1.351 variant na unang natukoy sa South Africa, kabilang ang 18 pa na aktibong kaso, 2,258 ang nakarekober, at 82 ang namatay.

Samantala, ang karagdagan namang 11 kaso ng P.3 variant ay pawang local cases at gumaling na mula sa karamdaman.

Sa kabuuan, ang bansa ay mayroon nang 287 total P.3 variant cases na unang natukoy sa Pilipinas, at kabilang dito ang isang aktibong kaso, 283 nakarekober na, at tatlong binawian ng buhay.

Kaugnay naman nang pagdami pa ng mas maraming kaso ng variants of concern sa bansa ay patuloy na umaapela ang DOH sa mga mamamayan na huwag magpabaya at patuloy na maging maingat at sumunod sa health protocols upang hindi mahawaan ng COVID-19.

“As we begin to detect more COVID-19 cases with variants of concern, the public is reminded not to be complacent and strictly adhere to the minimum public standards such as proper wearing of face mask and face shield, washing of hands for at least 20 seconds, observing physical distancing, and ensuring proper ventilation whenever indoors,” anang DOH.

“Even with ECQ, the  COVID-19 vaccination program will continue. We remind everyone to get vaccinated when it’s their turn to prevent severe COVID-19 and deaths,” apela pa nito. 

Mary Ann Santiago

Tags: COVID-19Delta variantDelta variant ng COVID-19doh
Previous Post

Kathryn Bernardo, nagpasilip sa ipinatatayong dream house

Next Post

Konduktor, nagsikap para makagraduate ang girlfriend

Next Post
Konduktor, nagsikap para makagraduate ang girlfriend

Konduktor, nagsikap para makagraduate ang girlfriend

Broom Broom Balita

  • ‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo
  • Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa 100 worst dishes in the world
  • Ilang bahagi ng Luzon, makararanas ng katamtamang ulan dulot ng amihan
  • Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN
  • John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.