• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

“Thank you sa tulong kahit ako’y laos na”: Komedyanteng si ‘Mura’ biniyayaan ng isang tagahangang vlogger

Richard de Leon by Richard de Leon
August 5, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
“Thank you sa tulong kahit ako’y laos na”: Komedyanteng si ‘Mura’ biniyayaan ng isang tagahangang vlogger

Screenshot mula sa YouTube channel/Virgelyn 2.0

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung may ‘Mahal,’ syempre, may ‘Mura.’ Hindi lang ito tumutukoy sa presyo, kundi sa dalawang komedyanteng pinag-tandem noon na parehong ‘little person.’ Pero ang tanong ngayon, nasaan na nga ba si ‘Mura?’

Ang tunay na pangalan ni Mahal ay Noemi Tesorero habang si Mura naman ay si Allan Padua sa tunay na buhay. Ang kanilang tambalan ay unang sumikat noong 2003 sa isang noontime show, kung saan pinagmukhang babae si Mura kahit lalaki naman talaga siya.

Screenshot mula sa YouTube channel/Talentadong Pinoy

Tinunton siya ng isang tagahangang vlogger na nagngangalang ‘Virgelyn (Ang Daragang Magayon)’ upang alamin kung ano ang kaniyang kalagayan. Matapos ang medyo mahaba-habang paglalakbay, nasilayan na nito si Mura, na simpleng-simple na lamang ang pamumuhay sa lalawigan.

Sa ngayon ay abala si Mura sa mga gawaing pambukid. Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya, kaya nilisan niya ang showbiz. Kasama ang pamilya, nagtitinda na sila ngayon ng uling at nagtatanim ng mga gulay.

12 ang mga kapatid ni Mura kaya kailangan niyang kumayod nang husto para sa kanila. Musmos pa lamang sila ay mulat at sanay na sila sa hirap ng buhay.

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0
Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0
Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

Naging emosyonal si Mura nang biyayaan siya ng P10,000 ng vlogger na si Virgelyn, bukod pa sa mga nakalap na pondo mula sa mga OFW na nagbigay sa kaniya ng donasyon.

“Thank you po sa inyong lahat… huwag po kayong magsawang magsuporta sa mga katulad po namin, kahit laos na po ako, kung may pumapasok namang opportunity, papasukin ko po, kakayanin ko para sa pamilya ko,” naiiyak na pahayag ni Mura.

Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0
Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0
Screenshots mula sa YouTube Channel/Virgelyncares 2.0

May mahigit 1 million views na ang naturang vlog na kaka-upload pa lamang noong Agosto 3, 2021.

Tags: mahalMuraVirgelyncares 2.0
Previous Post

Olympians na non-medalist, tatanggap ng ₱500K insentibo

Next Post

LRT-2, may shortened operation sa ECQ; LRT-1 at MRT-3, normal naman ang biyahe

Next Post
LRT-2, may shortened operation sa ECQ; LRT-1 at MRT-3, normal naman ang biyahe

LRT-2, may shortened operation sa ECQ; LRT-1 at MRT-3, normal naman ang biyahe

Broom Broom Balita

  • Andoy Ranay, may sagot sa bashers na nagkukumpara sa ‘Dirty Linen’ at ‘Widow’s Web’
  • Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaking isda sa Cagayan
  • Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua
  • Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day
  • ‘Don’t let words bring you down!’ Martin Nievera, nagbigay ng moral support kay Jed Madela
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.