• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home News

Ano ang nangyari sa 8 Pinoy Olympians pagkatapos nilang manalo ng medalya?

Richard de Leon by Richard de Leon
August 4, 2021
in News, Olympics, Sports
0
Ano ang nangyari sa 8 Pinoy Olympians pagkatapos nilang manalo ng medalya?

Larawan mula sa Manila Bulletin

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kumusta na nga ba ang 8 Pinoy Olympians na nauna kay Hidilyn?

Matapos ang pagkakasungkit ni Hidilyn Diaz sa gintong medalya para sa kaniyang weightlifting competition sa Tokyo Olympics 2020, napukaw ang atensyon ng mga tao sa tunay na halaga ng sports, na minsan ay nababalewala o pinagkikibit lamang ng balikat.

Kumusta na nga ba ang walong Pinoy Olympians na nakasungkit ng silver o bronze medal sa mga nagdaang Olympics? Ano na nga bang nangyari sa kanila?

Nagsimula ang paglahok ng Pilipinas sa Olympic games noong 1924 Summer Olympics na ginanap sa Paris, France. Ang kaisa-isang Pilipino na naging kalahok dito ay si David Nepomuceno. Ngunit ang unang panalo ay natamo ni Teofilo Yldefonso para sa Men’s 200-meter breaststroke swimming competition kung saan nakakuha siya ng bronze medal nang dalawang beses.

Matapos ang pagiging bayani sa larangan ng swimming, naging aktuwal na bayani naman siya sa pakikipagdigma sa panahon ng World War II. Napabilang siya sa 57th Infantry Regiment of the Philippine Scouts laban sa mga Japanese. Isa rin siya sa mga naka-survive sa makasaysayang Death March. Namatay siya sa gulang na 38. Kinilala pa siya bilang pioneer sa International Swimming Hall of Fame.

Sumunod naman sa kaniya si Simeon Toribio Simeon ay nakilala bilang Filipino high jumper. Lumaban siya sa Olympics noong 1928, 1932, at 1936 subalit nanalo siya ng bronze medal noong 1932. Nakamit din niya ang titulo bilang “Asia’s Greatest Athlete.” Matapos ang kaniyang karera sa palakasan, naging abogado siya at Congressional representative para sa lalawigan ng Bohol ng Parliament of the Philippines simula 1941-1953.

Si Jose Villanueva naman ay nagwagi ng bronze medal para sa bantamweight division na ginanap sa Los Angeles, California. Naging boxing trainer siya, at isa sa mga naging trainee niya si Gabriel “Flash” Elorde. Ikinamatay niya ang atake sa puso noong 1983.

Bronze Medal din ang napagwagihan ni Miguel White para sa Men’s 400-meter hurdles. Matapos ang 1936 Olympics, sinasabing naging kaanib siya ng Philippine Army bilang lieutenant sa 52nd Infantry Regiment. Noong Agosto 1942, inakusahan siyang tumakas sa laban o missing in action, at hindi naglaon, sinabing napatay siya sa labanan.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Naipasa naman ni Jose Villanueva ang angking-husay sa boxing sa kaniyang anak na si Anthony Villanueva, na nagwagi naman ng silver medal para sa featherweight division. Si Villanueva ay naging aktor at boxing coach dito sa Pilipinas, at naging sekyu naman sa Amerika. Sumakabilang-buhay siya dahil sa sunod-sunod na naranasang stroke.

Si Leopoldo Serantes naman ay nakakuha rin ng bronze medal para naman sa Men’s boxing light flyweight division noong 1988, na ginanap sa South Korea. Sa ngayon ay nakikipagbuno naman si Serantes sa kaniyang pulmonary at heart ailments, sa Philippine Veterans Hospital. Kaya naman, nananawagan ng panalangin at tulong ang Philippine Sports Commission (PSC) para kay Serantes.

Bronze medalist din para sa Men’s boxing light flyweight division si Roel Velasco, noong 1992 sa Barcelona, Spain. Ngayon, siya ay isa sa coaches ng Amateur Boxing Association of the Philippines.

Ang pinakasikat sa kanila ay si Mansueto “Onyok” Velasco, Jr., na matapos masungkit ang kaniyang silver medal sa light flyweight division noong 1996 sa Amerika, pinasok na rin ang mundo ng showbiz. Naging komedyante siya at naisama sa cast ng ilang mga comedy shows at sitcoms.

Larawan mula sa Manila Bulletin

Sa patuloy na paglaban ng mga atletang Pilipino sa Olympics, inaasam nating mas dadami pa ang mga Pinoy Olympians na mag-iiwan ng tatak at inspirasyon sa larangan ng sports!

Tags: bronze medalistsPinoy Olympianssilver medalists
Previous Post

Carlo Paalam, dating nangangalakal bago ang epic win laban sa undefeated Olympic champ

Next Post

Kamao ng isang Pilipina: Nesthy, ang unang Filipina boxer na nakasungkit ng silver medal sa Olympics

Next Post
Kamao ng isang Pilipina: Nesthy, ang unang Filipina boxer na nakasungkit ng silver medal sa Olympics

Kamao ng isang Pilipina: Nesthy, ang unang Filipina boxer na nakasungkit ng silver medal sa Olympics

Broom Broom Balita

  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
  • Hontiveros, Pangilinan, nakipagpulong sa onion farmers sa Occidental Mindoro
  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.