• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Knockout win! Eumir Marcial, tiyak na ang medalya sa Tokyo Olympics

Balita Online by Balita Online
August 1, 2021
in Sports
0
Knockout win! Eumir Marcial, tiyak na ang medalya sa Tokyo Olympics
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tatlong medalya ang tiyak na maiuuwi ng ating mga atleta mula sa Tokyo Olympics matapos makasiguro ng bronze medal ng boksingerong si Eumir Marcial.

Naisiguro ni Marcial ang ikalawang medalya ng bansa sa boxing competition ng Tokyo Games nang pabagsakin nito sa first round ng kanilang quarterfinal bout sa men’s middleweight class si Arman Darchinyan ng Armenia sa Kokugikan Arena.

Ang panalo ang ikalawang first round win ni Marcial sa kanyang Olympic debut kasunod ng kanyang RSC win sa round of 16.

Pinabagsak ng isang solidong right hook sa mukha ni Marcial si Darchinyan sa canvass may nalalabi pang 51 segundo sa first round.

Ang susunod na makakatunggali ni Marcial ay ang kinatawan ng Ukraine na si Oleksandr Khyzhniak sa semifinal sa darating na Huwebes-Agosto 5 para sa tsansang lumaban para sa gold medal.

Nauna nang nakasiguro na mag-uuwi ng medalya si Nesthy Petecio na tiyak na ang silver medal makaraang sumalta sa women’s featherweight division finals.

Marivic Awitan

Tags: 2021 Tokyo OlympicsFelix Eumir Marcial
Previous Post

Sino nga ba si Coach Gao? Kilalanin ang Chinese trainer ni Hidilyn

Next Post

Mayor Magalong, nagbabala vs pekeng medical documents sa Baguio City

Next Post
Mayor Magalong, nagbabala vs pekeng medical documents sa Baguio City

Mayor Magalong, nagbabala vs pekeng medical documents sa Baguio City

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.