• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Sino nga ba si Coach Gao? Kilalanin ang Chinese trainer ni Hidilyn

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
July 31, 2021
in Sports
0
Sino nga ba si Coach Gao? Kilalanin ang Chinese trainer ni Hidilyn
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Buong Pilipinas ang nagdiwang matapos maiuwi ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold medal mula sa World Olympics. Sa gitna nito, ay ang balita na naiipit umano ang Chinese coach ni Hidilyn na si Kaiwen Gao sa naging resulta ng pagtatapat ng ‘Pinas at China sa finals.

  • Larawan mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz
  • Larawan mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz

Nitong Hulyo 21, ipinakilala ng Hidilyn ang “Team HD,” ang grupo ng mga tagapag-sanay niya para sa Olympics. Ito ay binubuo nina Coach Jeaneth Aro, nutritionist; Dr. Karen Trinidad, sports psychologist; strength and conditioning coach Julius Naranjo, kaniyang boyfriend; at kanyang weightlifting coach Kaiwen Gao, na isang Chinese.

Inamin ni Diaz sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa “ANC,” na naging mainit ang tingin ng China Team kontra Coach Gao. Ito’y dahil hindi umano nagbigay ng impormasyon ang Chinese coach sa kung ano ang kayang gawin ni Diaz.

“Hindi makapaniwala ‘yung China na ganito na ‘ko kalakas. Siyempre, si Coach (Gao) din, hindi niya na-share sa China. Medyo nagalit kasi yung China din sa kanya, kasi hindi niya na-share saan ‘yung lakas ko,” pagbabahagi ni Hidilyn sa ANC.

Sa isang hiwalay na panayam naman ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kay Hidilyn, sinabi nito na gusto nang bumalik ni Coach Gao ng China upang makasama ang pamilya nito kahit sa Disyembre pa matatapos ang kontrata nito sa kanya.

Larawan mula sa Instagram ni Hidilyn Diaz

“[Ang] plano for coach Gao is alam ko gusto na niyang umuwi. Dapat mag-extend siya hanggang December. Pero gusto na niyang umuwi para makasama ang pamilya niya,” ani Diaz sa FOCAP nitong Hulyo 29.

Samantala, sinaluduhan naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang Team HD partikular na si Coach Gao.

Sa isang Facebook post sinabi nitong, “Truly humbled to see that a Chinese coach has helped in making this historic win happen for the Philippines!”

Umaasa rin si Ambassador Xilian na madadagdagan pa ang magandang resulta ng pakikipagkaisa ng Pilipinas at China sa iba’t ibang larangan lalo na sa athletics.
Sa edad na 64, marami nang sinanay na Olympians si Gao kabilang dito sila Chinese weightlifters Chen Xiexia na lumaban noong 2008 Beijing Olympics at Zhou Lulu na nag-uwi ng gintong medalya noong 2012 London Summer Olympics. 

Hindi na makakaila na masusungkit ni Diaz ang gintong medalya dahil kay Gao, na dating head coach ng women’s team ng Chinese army. Matapos mag-retiro bilang team coach ng Chinese bayi noong 2018, ay naging mentor na ni Diaz si Gao. 

Tags: 2020 Tokyo OlympicschinaHidilyn Diaz
Previous Post

DepEd: Brigada Eskwela 2021, simula na sa Agosto 3

Next Post

Knockout win! Eumir Marcial, tiyak na ang medalya sa Tokyo Olympics

Next Post
Knockout win! Eumir Marcial, tiyak na ang medalya sa Tokyo Olympics

Knockout win! Eumir Marcial, tiyak na ang medalya sa Tokyo Olympics

Broom Broom Balita

  • Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10
  • ‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?
  • Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa
  • Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.