• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Duterte, bubuhusan ng kape si Ambassador Del Rosario at ihahabla pa

Balita Online by Balita Online
July 21, 2021
in Opinyon
0
Alumni ng San Beda, kontra kay Duterte?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kahit walang ebidensiya, inakusahan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ng treason dahil sa pahayag nito na nagyayabang umano ang mga opisyal ng China na sila ang nasa likod sa resulta ng eleksiyon noong 2016 kaya nanalo si PRRD.

Binanatan ni PRRD si Del Rosario sa kanyang taped weekly briefing tungkol sa situwasyon ng COVID-19 ng bansa noong gabi ng Lunes. Noong nakaraang linggo, sinabi ng ex-Ambassador na tumanggap siya ng “most reliable international entity” na nagyayabang ang matataas na pinuno China na nagawa nilang maimpluwensiyahan ang resulta ng PH elections noong 2016 upang manalo si Duterte. 

Ganito ang reaksiyon ni Pres. Rody: “You, Alberto, if I see what you have, I will sue you for many things. I have not, for the life of me, sued anybody — libel or anything — during my 23 years [in public office]. But you, I will go after you because it was you who transmitted the message.”

“If we are in olden times, if we are only at war, you are guilty of treason. And the reason is you are not a Filipino. You were picked up from somewhere. Why do you look that way? You are not really a Filipino, in fact,” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, bubuhusan niya ng kape ang ambassador kapag sila’y nagkita. “You keep on talking. What China? Did China help me? Gago ka [You are stupid]. Where did you get that? With 16 million [who voted for me] can you get the help of another country? Can you buy 16 million [voters]?” galit si Duterte.

Nais daw niyang makita nang personal si Del Rosario “I want to see you personally. Where can I meet you? Where do you have your coffee? I’ll pour your coffee on your face, believe me. You don’t believe me? Try it”.

Sabihin lang daw ni Del Rosario kung saan siya matatagpuan at pupunta siya nang walang security. “Bubuhusan kita ng kape sa mukha. Nasaan ang bahay mo? Kakatok ako sa pinto, ako lang mag-isa. Wag kang matakot.”

Bilang tugon, sinabi ni Del Rosario na ang mga aksiyon ni Duterte ay nagpapakita ng katotohanan sa impormasyon na talagang tinulungan siya ng China noong 2016 para manalo. “As early as May 15, 2018, our president proudly declared in Casiguran Bay in Aurora that Chinese President Xi Jinping has sworn to protect him from moves that will result in his removal from office,” bigay-diin ni Del Rosario.

Bert de Guzman

Tags: albert del rosario
Previous Post

Aljur Abrenica, nananatiling optimistiko matapos ang hiwalayan kay Kylie

Next Post

Jennica sa mga ‘Marites’: ‘Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko’

Next Post
Jennica sa mga ‘Marites’: ‘Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko’

Jennica sa mga 'Marites': 'Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko'

Broom Broom Balita

  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
  • Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes
  • 10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG
  • Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano
  • Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

Pride Month, isang pagkakataon para itaguyod mga karapatan ng LGBTQ+ – British envoy

June 3, 2023
Capiz, nagtala na rin ng kaso ng African Swine Fever

Antique, nag-iisang lalawigan sa Western Visayas na walang kaso ng ASF

June 3, 2023
Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

Magnitude 4.6 lindol, yumanig sa Sulu

June 3, 2023
Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

Food stamp program, pinag-aaralan pa! — DSWD official

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.