(Weekly Horoscope 18-24 Hulyo)
Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)
Mararamdaman mo na may kulang at parang hindi ka nagtagumpay. Huwag mabahala, dahil bahagi lang ito ng kapusukan ng taon. Hindi lahat ng nasa paligid mo ay kalaban. Para hindi manghina ang iyong kalooban, tanggapin mo ang kakulangan ng iba.
Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)
Medyo magiging emosyonal ka, lalo na sa kaperahan at ari-arian. Ayaw mo ang kababawan lalo na sa mga ka-relasyon. Marami ka ring gustong baguhin, kaya isusulong mo talaga ang nagpapasaya sa iyo. May pagsisisi ka ring mararamdaman. Kailangan mo itong tanggapin at humingi ka ng paumanhin, kahit hindi ka patatawarin.
Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)
Magiging lalo kang mapag-isip at maghahangad ng mas matinding kaalaman tungkol sa bagong pinagkakaabalahan. Kaya mo yan sa ngayon. Gagamitin mo ang matututunan mo sa kasalukuyang gawain at sa mga susunod pang bagong responsibilidad.
Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)
Mas sensitibo ka ngayon, kaya wag masyadong dibdibin ang sasabihin ng iba. Hindi ito ang panahon para magbago. Ayusin muna ang sarili at pag-isipan maigi ang mga plano. Panahon ngayon para tiyakin ang gagampanang papel sa mundong ginagalawan.
Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)
Mahirap tanggapin ang itinutulak ng iyong puso at ang mga balakid na nagpipigil sa iyong pagkilos. Isipin lang na maaayos din ang lahat. Makakamit mo rin ang gusto mo sa tamang panahon. Huwag maging padalus-dalos. Laging ipa-iral ang diplomasya at lawakan ang pag-unawa.
Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)
Mas malinaw ang mga kaganapan sa paligid, at madali kang makakasabay sa mga pagbabago at sa kaayusan ng kinalalagyan. Mabigat man ang dating s aiyo ng mga responsibilidad, maluwag mo naman itong tatanggapin, dahil kailangan.
Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)
Mas kakayanin mo ngayon na pagsabayin ang matagal mo nang gustong gawin at ang paglaya. Kahit hindi pa malinaw ang tatahaking bagong direksyon, magsisimula ka na rin. Handa ka nang makipagsapalaran muli.
Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)
Lalakas ang werpa mo habang papalapit ang Full Moon. Medyo magulo lang, dahil gusto mong nasa bahay lang pero magiging malungkutin ka naman. May retrograde pa sa Pluto. Marami kang haharapin at madidiskubre. Ingat lang sa pagrampa, dahil baka ma-excite masyado.
Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)
Hinahanap mong makalaya na at makamit ulit ang nilalaman ng iyong bucket list. Kasama rito ang mga gusto mong puntahan o pasukin. Pumirmi muna at wag maglayas. Hindi magkasundo ang hangarin sa ibibigay ng sansinukob.
Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)
Marami kang gustong ayusin, kaya ang dami mong pagkakaabalahan. Wag magmadali, dahil baka ma-fall at ma-ghosting pa. Isa-isa muna, hinay, hinay, at namnamin ang mga biyayang nasa iyo na at darating pa.
Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)
Full Moon, kaya para kang hilo. Ingatan ang pag larga larga, kahit ba matagal mo na itong gustong gawin at handa ka na sa maraming pagbabago sa iyong buhay.
Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)
Marami kang haharapin na katotohanan, lalo na’t nagtatalo ang gusto mong kalayaan at ang inaasam mong pagbuo ng o pagtutok sa sariling pamilya.
Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong [email protected] at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube.
Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!