• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Biden sa pagyao ni Pnoy: ‘I greatly valued our time working together’

Balita Online by Balita Online
June 28, 2021
in Opinyon
0
Alumni ng San Beda, kontra kay Duterte?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa pagyao ni dating Pres. Benigno Aquino III, higit na kilala bilang PNoy, sa edad na 6l, hindi lang ang Pilipinas ang nagluksa kundi maging ang iba pang mga bansa.

Kabilang sa nakiramay sa pagyao ng binatang Pangulo si US President Joe Biden, na nagturing sa anak nina ex-Pres. Cory Aquino at ex-Sen. Ninoy Aquino, bilang “a valued friend and partner to the United States.”

Sinabi ni Biden na tumalo sa bilyonaryong Donald Trump na si Aquino ay laging maaalala dahil sa paglilingkod sa Pilipinas “with integrity and selfless dedication.”

Sa wikang English, ganito ang pahayag ni Joe Biden: “President Aquino’s steadfast commitment to advancing peace, upholding the rule of law, and driving economic growth for all Filipinos, while taking bold steps to promote the rules-based international order, leaves a remarkable legacy at home and abroad that will endure for years to come.”

Ayon sa 78-anyos na pangulo ng Amerika, lagi niyang pinahahalagahan ang paglilingkod kasama siya kung kaya ipinaabot niya ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya. “I greatly valued our time working together, and I extend my heartfelt sympathies to his family and to all who will mourn his absence”.

Ang pakikipag-alyansa ng US sa PH ay lalong tumibay at lumakas sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, pero nagkaroon ito ng lamat sapul noong 2016 nang nahalal si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Ipinasiya ni PRRD na isulong ang isang independent foreign policy na hindi laging nakasandal ang ‘Pinas sa bansa ni Uncle Sam. Nakipagkaibigan siya sa China at Russia.

Noong 2012, bumisita si Aquino sa US at nagkaroon ng isang bilateral meeting sa noon ay President Barack Obama. Noong 2014, nagpunta sa Pilipinas si Obama para sa dalawang-araw na state.

Sa official guestbook ng Malacañang, sumulat si Obama ng “Thank you” note kay Aquino at sa mga Pilipino dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya. Idinagdag niya: “May America’s oldest alliance in Asia always be renewed by our friendship and mutual respect.”

Si Biden ay nagsilbing US vice president mula 2009 hanggang 2017 sa ilalim ni Obama. Nilagdaan ni Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagkakaloob sa US ng increased military presence sa Pinas sa pamamagitan ng “rotation of ships and planes for humanitarian and maritime operations.”

Noong 2016, pinal na ipinasiya ng Supreme Court na ang kasunduan (EDCA) ay hindi lumalabag sa Constitution. Kilala si Aquino sa pagsusulong ng mga reporma sa ekonomiya, pagbibigay-halaga sa transparency sa governance, at pagtindig laban sa China hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, inihayag ng mga kapatid ni babae ng yumao na ang dating Pangulo ay namatay dahil sa renal disease secondary to diabetes. Madalas siya sa pagamutan bago pa sumulpot ang pandemic.

Idineklara ni PRRD ang Hunyo 24 hanggang Hulyo 3 bilang Pambansang Pagluluksa dahil sa pagyao ni Pres. Aquino. Nagpaabot siya ng pakikiramay sa Aquino family. Nanawagan siya sa mga Pilipino na igalang ang damdamin ng mga Aquino dahil sa pagyao ni PNoy. Sinabi rin niyang dapat iwaksi ang pulitika at di-pagkakaintindihan sa pagkamatay ni Aquino.

Bert de Guzman
Tags: President Benigno S. Aquino IIIUS President Joe Biden
Previous Post

Dina Bonnevie natulala sa dimples ni Alden; aminadong fan

Next Post

Pagbati sa bagong arsobispo ng Maynila

Next Post
Palakasin ang voter registration at paghahanda para sa eleksyon

Pagbati sa bagong arsobispo ng Maynila

Broom Broom Balita

  • Madam Inutz, back out na bilang wildcard sa PBB? Wilbert Tolentino, nagpaliwanag
  • Senior citizens, PWDs, may discount na sa online transactions — DTI
  • Showbiz icon Susan Roces, pumanaw na
  • Lebel ng tubig sa Angat Dam, tumaas — NWRB
  • 683, pasado sa May 2022 Dentist Licensure Exam
Madam Inutz, back out na bilang wildcard sa PBB? Wilbert Tolentino, nagpaliwanag

Madam Inutz, back out na bilang wildcard sa PBB? Wilbert Tolentino, nagpaliwanag

May 21, 2022
Senior citizens, PWDs, may discount na sa online transactions — DTI

Senior citizens, PWDs, may discount na sa online transactions — DTI

May 20, 2022
Showbiz icon Susan Roces, pumanaw na

Showbiz icon Susan Roces, pumanaw na

May 20, 2022
Lebel ng tubig sa Angat Dam, tumaas — NWRB

Lebel ng tubig sa Angat Dam, tumaas — NWRB

May 20, 2022
Online oathtaking ng mga bagong physician, kasado na sa Nob. 18

683, pasado sa May 2022 Dentist Licensure Exam

May 20, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

Laguna police, nakahuli ng nasa 30 suspek sa one-day drug ops sa buong probinsya

May 20, 2022
SSS, nagbabala kasunod ng mas dumaraming biktima ng scammers, fixers

SSS, magpapatuloy sa pag-a-update ng contact info ng members via online portal

May 20, 2022
National IDs, naihatid na sa nasa 10M Pilipino — PSA

National IDs, naihatid na sa nasa 10M Pilipino — PSA

May 20, 2022
‘Walang lakas ang bilang kung lahat kayo bobo’: Mo Twister, minaliit ang 31-M na pumabor kay BBM?

‘Walang lakas ang bilang kung lahat kayo bobo’: Mo Twister, minaliit ang 31-M na pumabor kay BBM?

May 20, 2022
South Korea, magbubukas na sa biyaherong Pinoy sa Hunyo

South Korea, magbubukas na sa biyaherong Pinoy sa Hunyo

May 20, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.