• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

Pabor ang PH na palayain si Suu Kyi at wakasan ang military coup sa Myanmar

Balita Online by Balita Online
June 22, 2021
in PAGTANAW AT PANANAW
0
Alumni ng San Beda, kontra kay Duterte?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bumoto nang pabor ang Pilipinas sa resolusyon ng United Nations General Assembly (UNGA) na naglalayong wakasan ang military coup sa Myanmar at palayain si Aung San Suu Kyi at iba pang political prisoners.

Teka muna, ‘di ba ganito rin ang kahilingan ng mga kalaban at kritiko ng Duterte administration na palayain ang mga bilanggong pulitikal na nakakulong sa mahabang panahon?

Ang UNGA resolution na nananawagan din sa pagputol sa daloy ng mga armas sa Myanmar ay suportado ng 119 bansa. Bumoto ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) gaya ng Indonesia, Malaysia, Singapore at Vietnam.

Gayunman, ang Brunei, Cambodia, Laos at Thailand ay sumanib sa 36 bansa na nag-abstain sa botohan, kasama ang China, Russia, Bangladesh, India, Iran at Pakistan. Tanging ang Belarus ang bumoto kontra sa resolusyon.

Sa naturang resolusyon, tinatawagan ang Armed Forces ng Myanmar na agad itigil ang karahasan laban sa peaceful demonstrators, civil society, mga kasapi ng labor unions at media workers. Dapat ding alisin ang mga restriksiyon sa social media at internet.

***

Hinikayat ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar habang hinihintay ang pinal na guidance mula sa pambansang gobyerno.

Ayon kay Eleazar, makabubuti sa mga Pilipino na ituloy ang pagsusuot ng face shield at face mask na kanilang ginagawa mula pa nang Disyembre noong nakaraang taon bilang dagdag na proteksiyon laban sa Covid-19.

“Mas makabubuti na tayo’y may face shield kung kaya ituloy natin ang paggamit nito,” ayon sa PNP chief. Payag si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na alisin na ang face shields at gamitin lang ito sa loob ng mga ospital. Habang hinihintay pa ang desisyon ng Pangulo at ng IATF tungkol sa isyu ng face shield, inatasan ni Eleazar ang mga pulis na pagpayuhan ang mga tao na namataang walang face shield na magsuot. Hindi muna sila huhulihin. Paalalahanan lang muna.

Sinabi ni Eleazar na siya at mga matataas na pinuno ng PNP sa Camp Crame ay patuloy na magsusuot ng face shields dahil “we feel more protected.” Hihintayin ng buong puwersa ng PNP ang pinakahuling guidelines tungkol sa pagsusuot ng face shield upang maiwasan ang kalituhan sa pagpapatupad ng mga pulis sa nasabing isyu.

Pagkatapos ng ilang buwang pagkabalam, naisuot na rin ni Jose Cardinal Advincula ang kanyang pulang cap (red cap) noong Biyernes sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City, Capiz, nangangahulugan ng elevation niya bilang cardinal na nauna sa pormal na designation niya bilang cardinal sa Hunyo 24 ng Vatican bilang ika-33 arsobispo ng Maynila.

Tinanggap din ni Advincula noong Biyernes ang cardinal ring (singsing0 matapos na ma-miss niya ang Nov. 28,2020 consistory sa Rome dahil sa Covid-19 travel restrictions. Dapat ay tinanggap niya at ng iba pang mga cardinal ang kanilang mga singsing sa panahon ng consistory. Mabuhay ang bagong Cardinal at Arsobispo ng Maynila!

Bert de Guzman

Tags: Aung San Suu KyiDuterte administrationMyanmar GovernmentUntited Nations General Assembly
Previous Post

Kahit 51-anyos na—Janno Gibbs sasabak sa kanyang unang adult film

Next Post

Jasmine at Alden serye, kagatin kaya ng fans?

Next Post
Jasmine at Alden serye, kagatin kaya ng fans?

Jasmine at Alden serye, kagatin kaya ng fans?

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.