• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Pinaka-wish ni Herbert Bautista na maka-partner? ‘Lea Salonga’

Dante Lagana by Dante Lagana
June 18, 2021
in Showbiz atbp.
0
Pinaka-wish ni Herbert Bautista na maka-partner? ‘Lea Salonga’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakakatuwang malaman na ginawang TV series sequel ang classic ‘80s movie na “Puto” na pinagbibidahan noon ng former mayor ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista. Tumabo noon sa takilya ang nasabing fantasy comedy film. Ngayon nga ay mamayagpag muli, this time sa TV naman na may kakaibang mahika at flavor para sa panibagong henerasyon. Magsisimulang mapanood ito sa June 19 tuwing Sabado ng gabi, ng 6 p.m. sa TV5.

Virtual na nakausap ng Balita si Mayor Herbert na gumanap bilang si Ivanhoe “Puto” dela Cruz sa recent Puto mediacon. Present din sila McCoy De Leon bilang si Uno ang kaisa-isang anak ni Puto at ang kanilang direktor na si Direk Raynier Brizuela.

Naging busy na si Herbert sa mga showbiz commitments dahil nagkasunud-sunod na ang kanyang mga projects magmula nang matapos ang kanyang term as a mayor noong 2019. Kaya naman natanong ng Balita, sa dami ng nakatrabaho niya sa pelikula o mapa-TV sinu-sino ba ang mga nami-miss niyang aktres na gusto niya uling makatrabaho? Aniya, “Definitely si Lea Salonga. I’ve made about three or four movies with her. So yun si Lea. Of course si Ruby nasa abroad na si Ruby under Viva Films din naman si Ruby. Siyempre yung grupo ng Bagets gusto kong makasama under Viva rin iyon.” Speaking of  “Bagets,” ang pelikulang sumikat noong 1984 ay hangad din ni Herbert na sana raw ay magkaroon sila ng reunion. Hopefully matupad iyon.

Tipid sa pagsasalita ang dating mayor nang mabaling sa politics ang paksa ng usapan lalot nalalapit na ang 2022. Pero aminado si Herbert na hinahanap-hanap daw niya ito. Giit niya, “Basta malalaman na lang natin soon.”

Sa ngayon focus muna si Herbert sa kanyang showbiz career lalo’t ipapalabas na ang “Puto.” Siguradong riot sa katatawanan dahil kasama rin sa cast sina Lassy Marquez, MC Calaquian, at Chad Kinis ng Beks Battalion na gaganap bilang Mamitas, mga tumayong mother figures ni Uno sa kanyang paglaki. 

Magkakaroon din ng catch-up airing ang Puto tuwing Linggo, 5 p.m., simula Hunyo 20 sa Sari-Sari Channel, available sa Cignal Channel 3 at SatLite Channel 30. Mapapanood din ang Puto sa livestream ng TV5 sa Cignal Play app, available for Free para sa iOs at Android users. Yun na!

Tags: herbert bautistalea salonga
Previous Post

Claudia Barretto, sa recording studio namalagi nung lockdown

Next Post

Mister, nagselos, misis, pinatay sa harap ng dalawang anak edad 10 at 11

Next Post
Mister, nagselos, misis, pinatay sa harap ng dalawang anak edad 10 at 11

Mister, nagselos, misis, pinatay sa harap ng dalawang anak edad 10 at 11

Broom Broom Balita

  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
  • Las Piñas, nag-aalok ng libreng konsultasyon sa mata, operasyon sa katarata
  • Suspek sa online estafa, inaresto ng pulisya sa Tarlac
  • Bilang ng nahawaan, tumaas? 819, nagpositibo sa HIV sa QC
  • Paano na ang iniwang kondisyon kay Jak? Barbie Forteza, ‘not so sure’ pa sa pag-aasawa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.