• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Death penalty upang mapuksa ang ilegal na droga

Balita Online by Balita Online
June 16, 2021
in SENTIDO KOMUN
0
PHILHEALTH or PHA—Sino dapat ang sisihin?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi naikubli ang minsan pang pangagalaiti ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikidigma sa droga na una na niyang pinausad sa pagsisimula pa lamang ng kanyang panunungkulan noong 2016. Sa kanyang mensahe sa sambayanan kamakalawa, bigla kong naalala ang kanyang matinding banta sa mga users, pushers at drug lords: Kapag sinira ninyo  ang kinabukasan ng ating mga kabataan, papatayin ko kayo.

Ang war on drug ng Pangulo, marahil ay nakaangkla sa mga ulat na ang halos 80 porsyento ng mga barangay sa buong kapuluan ay talamak sa ipinagbabawal na gamot. Ang paglubha ng naturang problema sa droga ay dahilan marahil sa sinasabing kapabayaan ng nakalipas na mga administrasyon na umano’y nagwalang-bahala sa pagpuksa ng nasabing salot ng lipunan.

Ito rin marahil ang dahilan ng puspusang pagsusulong ng Duterte administration ng iba’t ibang kampanya laban sa kasumpa-sumpang shabu; kabilang na rito ang tinatawag na tokhang na naging dahilan ng kamatayan ng mga sugapa sa droga na nasusukol sa mga drug den — lalo na ng mga durugista na sinasabing lumalaban sa mga alagad ng batas.

Sa kabila ng gayong matinding pakikipaglaban sa illegal drugs, buong pagpapakumbaba namang inamin ng Pangulo ang kanyang mistulang pagkabigo sa nabanggit na anti-drug drive. Katunayan, hiningi niya ang kooperasyon ng sambayanang Pilipino sa paglipol ng salot na droga. Inaamin niya na hindi niya makakayanang mag-isa ang paglutas sa nasabing salot sa kabila ng matindi niyang determinasyon na puksain niya ang mga bawal na gamot sa loob ng anim na buwan ng kanyang panunungkulan.

Ito ang naging sentro ng mga kritisismo ng administrasyon na nakaangkla naman sa umano’y talamak na extra judicial killings (EJK) na kinapapalooban ng mga sinasabing walang pagpatay sa mga drug suspect. Ito rin ang maliwanag na nagbunsod sa iba’t ibang grupo na nangangalandakang tagapagtanggol ng karapatang pantao o human rights upang magsampa ng mga asunto laban sa Pangulo. Kabilang na rito ang mga habla na isinampa sa International Criminal Court (ICC): mga kaso na mistula namang tinatawanan ng Pangulo.

Sa naturang magkakasalungat na mga argumento, hindi nagbabago ang aking paninindigan na pagbabalik lamang o pagbuhay sa death penalty ang epektibong hadlang sa illegal drugs. Hindi natin malilimutan ang pagpatay kay Lim Seng, isang dayuhang druglord, ang binitay sa pamamagitan ng firing squad, maraming taon na ang nakalilipas.

Ito ang panahon upang minsan pang pag-ukulan ng pangalawang sulyap, wika nga, ang panukala hinggil sa muling pagpapatupad ng parusang kamatayan hindi lamang sa illegal drugs kundi maging sa karumal-dumal na krimen sa lipunan.

Celo Lagmay
Tags: death penaltyDrug warDuterte administration
Previous Post

Briones: Pagbubukas ng SY 2021-2022, posibleng sa Agosto o unang bahagi ng Setyembre

Next Post

Jasmine Curtis walang sabit sa dating management, malinis ang paglipat kay Maja

Next Post
Jasmine Curtis walang sabit sa dating management, malinis ang paglipat kay Maja

Jasmine Curtis walang sabit sa dating management, malinis ang paglipat kay Maja

Broom Broom Balita

  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
  • Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’
  • Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’
  • Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa
  • 2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

May 18, 2022
Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!

Comelec: 12 nanalong senador, naiproklama na!

May 18, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

P8-M halaga ng shabu, nasamsam sa 7 drug pushers sa serye ng drug ops sa Central Visayas

May 18, 2022
Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

Krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya, posible — DA

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.