• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Bet ni Duterte sa Senado—Willie Revilame, nagdadalawang-isip pa kung tatakbo

Balita Online by Balita Online
June 14, 2021
in Showbiz atbp.
0
Bet ni Duterte sa Senado—Willie Revilame, nagdadalawang-isip pa kung tatakbo
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin si Willie Revillame sa hiling ni Pangulong Duterte na tumakbo siya bilang senador ngayong halalan 2022.

Matatandaang mismong si Duterte ang nag-imbita kay Willie sa isang hapunan sa Malacañang Palace noong March 16, 2021 at dito nga napag-usapan ang nalalapit na halalan na kung saa’y inalok ni Duterte ang posisyong as senator sa TV host.

“Pag-iisipan kong mabuti. Ipagdarasal ko,” sagot ni Willie sa tanong sa kanya ng Pangulo noong March 2021.

Naulit ang panunuyo nitong Linggo ng hapon, June 13, nang muling igiit ni Duterte ang imbitasyon kay Willie para tumakbo ito sa darating na halalan sa pamamagitan ng isang video na inilabas ng GMA News.

Sa videotaped message ni Duterte, nakasaad ang naging usapan ng dalawa: “Willie, si Mayor ito. Kumusta ka? Matagal na tayong hindi nagkita, pero palagi kitang naalaala dahil gusto ko sana maging senador ka.

“Sabi ni Bong [Senator Bong Go], nagdadalawang-isip ka. Pero ganoon pa man, open yung slot until the last minute kung ayaw mo na talaga.

“Pwede na tayong mag-usap uli. Sana in the meantime, more success sa mga programa mo at sa mga tao. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka!”

Para kay Duterte, nasa kuwalipikasyon ng TV host ang maging isang tunay na public servant dahil nasubok na ang kanyang pagiging mapagkawanggawa at tumutulong sa mga mahihirap. Kaya naman nais ni Duterte na kumandidato si Willie dahil ayon sa kanya, malaking tulong sa pamahalaan ang ginagawa ng TV host para sa ating mga mahihirap na kababayan.

Ador V. Saluta                  

Tags: Rodrigo Roa Dutertesenatewillie revillame
Previous Post

Halos P258M shabu, nakumpiska sa Parañaque

Next Post

TV5 umaasa sa Viva, Kapamilya network at iba pa

Next Post
TV5 umaasa sa Viva, Kapamilya network at iba pa

TV5 umaasa sa Viva, Kapamilya network at iba pa

Broom Broom Balita

  • Marcos, lumipad na pa-Japan
  • Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’
  • Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’
  • 47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog
  • Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.