• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Mistulang kinitil na kalayaan dulot ng pandemya

Balita Online by Balita Online
June 12, 2021
in SENTIDO KOMUN
0
PHILHEALTH or PHA—Sino dapat ang sisihin?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tuwing ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan o Independence Day, halos matulig tayo sa mga pagtatanong: Ganap na nga ba tayong malaya? Kagyat at positibo ang aking reaksiyon kung isasaalang-alang ang kasarinlan na ating tinatamasa ngayon — kalayaan na naging dahilan ng pagdanak ng dugo at pagkitil ng buhay ng ating mga bayani sa kanilang pakikidigma sa mga dayuhang mananakop; hindi lamang noong panahon ng mga Kastila kundi maging noong sumunod na mga digmaang pandaigdig o world war nagpamalas ng katapangan ang ating mga bayani.

Mahirap paniwalaan na tayo ay ganap nang malaya lalo na kung pag-uusapan ang iba’t ibang larangan ng pamumuhay at pakikipagsapalaran. Kinakapa pa natin hanggang ngayon ang kalayaan sa pagkagutom, sa mahihigpit na panuntunan sa paggawa o labor restrictions, sa reporma sa lupa o land reform, sa pagmamalabis ng ilang may kapangyarihan na walang pakundangan sa pagyurak sa mga karapatang pantao, at iba pa.

Pinatutunayan ng mga obserbasyon na marami pa rin tayong mga kababayan na nakalugmok sa karalitaan — walang makain at namumuhay nang isang kahig-isang tuka, wika nga. Ibig sabihin, kahig ng kahig kahit walang matuka. Sa kabila ito ng mga pagsisikap ng pamahalaan sa pag-agapay ng mga pribadong sektor upang malunasan ang naturang problema.

Lalong hindi natin masusumpungan ang tunay at lubos na kalayaan sa panahong ito ng pananalanta ng pandemya. Natitiyak ko na kabilang ako sa mga namumuhay na mistulang mga bilanggo o ermitanyo sa ating mga tahanan. Mistulang kinitil ang ating kalayaang gumala sa mga lansangan dahill sa mahihigpit na health protocol laban sa nakamamatay na coronavirus; mga tagubilin na marapat lamang sundin ng lahat, lalo na ng katulad naming nakatatandang mamamayan o senior citizens.

Hindi na biro ang pananalasa ng COVID-19. Milyun-milyong katao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa lahat ng bansa sa planeta ang dinapuan ng naturang mikrobyo, libu-libo ang namatay. At patuloy ang pananalanta ng naturang salot hanggang hindi pa marahil ganap na nababakunahan ang sambayanan.

Nakapanggagalaiti namang mabatid na pilit namang iginigiit ng ilang sektor ng ating mga kababayan ang kanilang kalayaan sa paglabag ng nasabing mahihigpit na minimum health protocol; walang patumangga sa pagiging pasaway sa pagbale-wala sa pagsusuot ng face shield/ mask, social distancing at madalas na paghuhugas ng mga kamay.

Sa panahong ito ng kagipitan, higit ko pang nanaisin ang mistulang kinitil na kalayaan kaysa kalayaang mangangahulugan ng panganib na bunsod ng nakakikilabot na salot o pandemya.

Celo Lagmay
Tags: Independence Day
Previous Post

Maymay Entrata, nagsalita na sa isyung ‘sila’ ni Donny Pangilinan

Next Post

PH, may dalawang Araw ng Kalayaan?

Next Post
Alumni ng San Beda, kontra kay Duterte?

PH, may dalawang Araw ng Kalayaan?

Broom Broom Balita

  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
  • 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan
  • Babae, nasagip sa pagkakahulog sa isang gusali sa Binondo
  • Ultra, Mega Lotto jackpot, mailap pa rin — PCSO
  • Imee Marcos, binatikos ang ICC sa ‘di pagpansin sa crimes vs humanity ng Western nations
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.