• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Biro ba ang posibleng pagtakbo ni PRRD bilang VP sa 2022?

Balita Online by Balita Online
June 2, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Alumni ng San Beda, kontra kay Duterte?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang palabirong tao si Pres. Rodrigo Roa Duterte. Likas siyang palabiro. Sabi nga nila, he’s a joker.

Para sa opposition coalition 1Sambayan, isang masamang biro o “a joke of the worst kind” na makita o malamang tatakbo sa mas mababang posisyon ang Punong Ehekutibo sa halalan sa Mayo, 2022.

Sa isang pahayag sa official Facebook page nito, sinabi ni 1Sambayan convenor at lawyer Howard Calleja na lubhang “katawa-tawa” na malamang ang Pangulo ay tatakbo bilang vice president.

 “The alleged VP run of the President not only makes a mockery of the constitution but a joke of the worst kind. It is laughable and the height of impertinence to the Filipino people,” ani Calleja.

Ang posible raw na pagtakbo ni PRRD bilang vice president sa 2022 ay “macrocosm of the Davao formula,” na ang ibig sabihin ni Calleja ay ang mahigpit na paghawak sa poder ng Pangulo sa kanyang hometown sa Davao, na siya at ang pamilya ay hawak ang puwesto mula pa noong 1988.

Iginiit ni Calleja na ang pagtakbo ni Mano Digong bilang vice president ay isang paraan o maniobra para manatili sa puwesto pagkatapos ng kanyang presidency sa susunod na taon.

“Nakatitiyak ako na makikita ng mga Pilipino na ito ay isang “macrocosm of the Davao formula” at ito ay tatanggihan nila sapagkat ito ay self-interest lang ng Pangulo at mapanatili niya ang authoritarian brand ng bigong liderato at pangangayupapa sa China,” ayon kay Calleja.

Kinokondena ng mga kritiko ang defeatist stance ng Pangulo sa pang-ookupa ng China sa West Philippine Sea (WPS), na baha-bahagi ring inaangkin ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Brunei Darussalam. Inaangkin naman ng China ang kabuuan nito o ang South China Sea, kabilang ang WPS,

Sa halip daw na ikatuwa ang panalo ng PH sa kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague na nagbabalewala sa batayan ng pag-angkin ng China, ang  nine-dash line—pinili pa ni PRRD na magkaroon ng relasyon sa Beijing.

Samantala, sinabi ni presidential spokesman Harry Roque na wala pang desisyon ang Pangulo sa kahilingan ng PDP-Laban na siya ay tumakbo bilang vice president sa 2022 dahil siya ay nakapagsilbi na sa mga mamamayan bagamat nais pa rin niyang bigyan ng higit na kabutihan ang mga Pilipino.

Nakita ba ninyo ang galit at panggigil ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa isang pulis na walang awang pumatay sa isang lola sa Quezon City?. Sa video at sa mga pahayagan, galit na galit si Eleazar dahil pinagsisikapang pabutihin ang imahe ng PNP, pero heto ang isang bugok na pulis na bumaril at pumatay sa isang matandang babae.

Bert de Guzman
Tags: Halalan 2022Rodrigo Roa Dutertevice president
Previous Post

Kim Chiu napatakbo sa sasakyan, naiyak, nang masampal ni Glydel Mercado

Next Post

Real estate broker, 1 pa, binaril sa loob ng kotse, patay

Next Post
Real estate broker, 1 pa, binaril sa loob ng kotse, patay

Real estate broker, 1 pa, binaril sa loob ng kotse, patay

Broom Broom Balita

  • Tres ni McCree, sumablay: Magnolia, taob sa Converge
  • ‘Man’s best friend indeed!’ PWD, kaagapay sa buhay ang kaniyang aso
  • ‘Para kay Mother Earth!’ Proyektong ‘Kuha Sa Tingi,’ inilunsad sa San Juan City
  • PhilHealth premium hike, pinasususpindi ng 5 kongresista
  • Comelec, muling hinikayat ang publiko na magparehistro bago ang nalalapit na deadline
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.