• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

‘Mahigit 16M Pinoy ang nabiro at nabola’

Balita Online by Balita Online
May 18, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Biglang nagmura, bigla ring humingi ng paumanhin
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung totoo ang pahayag ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na isang biro lang na sasakay siya sa jet ski papuntang Panatag (Scarlborough) Shoal para itanim o itayo ang bandilang Pilipino roon at sabihin sa China na “amin ito”, aba naman, mahigit sa 16 milyong botanteng Pinoy ang kanyang nabiro o nabola noong 2016 presidential elections!

Mga estupido lang daw ang naniniwala sa “jet ski” joke niya noon. Sabi nga ni Sen. Ping Lacson, daming naging estupido na naniniwala sa kanya noon.

Nadaig niya sina Mar Roxas at Grace Poe sa “bolahan” kung kaya natalo at pinulot sa kangkungan ang dalawang may pambansang pangalan kaysa kay Mano Digong na isang probinsiyano at alkalde ng isang lungsod sa Mindanao.

Marami rin ang nagtatanong at nagdududa sa matapang na pahayag ni PRRD na ang isinusulong niya matapos mahalal ay isang “independent foreign policy”–meaning, hihiwalay na ang Pilipinas sa pagsandig sa United States o sa kanino mang bansa.

Pero, parang iba raw yata ang “malayang patakarang panlabas” na ginagawa niya ngayon dahil higit siyang makiling sa China at Russia habang lumalayo sa tradisyonal na kaalyado ng ating bansa, ang bansa ni Uncle Sam. Higit daw ang pagsandig ng ating Pangulo ngayon sa piling ni Pres. Xi Jinping na itinuturing niyang kaibigan. Tanong: “Siya ba naman ay itinuturing na friend ng Pangulo ng may 1.3 bilyong populasyong dragon sa Asya?”

***

Tinanggihan ni ex-DFA Sec. Albert del Rosario ang hamon ni presidential spokesman Harry Roque sa isang debate. Sa isang pahayag, sinabi ng malumanay magsalitang dating Kalihim ng Ugnayang Panlabas na: “Hindi isang mabuting paraan ang debate para sayangin ang ating mga oras.”

Hinahamon ni Roque si Del Rosario sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa halip na hamunin ang mga kritiko sa isang pagtatalo, sinabi ng ex-DFA Secretary na dapat pakinggan ng administrasyon ang mga mamamayang Pilipino at matutong tumayo at manindigan sa panduduro ng dambuhalang China.

Bukod kay Del Rosario, hinamon din ng Tagapagsalita ni PRRD si Vice Pres. Leni Robredo. Tinanggihan ito ni Leni sapagkat wala raw mangyayaring mabuti sa pakikipagdebate kay Roque. Una rito, hinamon ng ating Pangulo si retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio tungkol sa WPS.

Tinanggap nang buong lugod ng retiradong mahistrado ang hamon, pero sa bandang huli ay umatras ang Punong Ehekutibo sa payo raw ng kanyang gabinete at ng ilang senador.

Halos isang taon na lamang at magdaraos na ng halalan sa Mayo 2022. Makabubuti sigurong maghintay na lang ang sambayanang Pilipino na pumili at maghalal ng karapat-dapat na pumalit kay PRRD. Gamitin nila ang isip, magsuring mabuti at hindi ang emosyon o pera ang papanaigin. Huwag patangay sa magagandang mga biro at bola, sayaw, kanta at iba pang mga gimik, lalo na sa alok na pera!

Bert de Guzman
Tags: Halalan 2022President Rodrigo Duterte
Previous Post

Mekanikong mahigit isang taon nagtago dahil sa kasong rape, timbog sa Caloocan

Next Post

KORONA BALIK SA LATINA: Miss Mexico bagong tanghal na Miss U

Next Post
KORONA BALIK SA LATINA: Miss Mexico bagong tanghal na Miss U

KORONA BALIK SA LATINA: Miss Mexico bagong tanghal na Miss U

Broom Broom Balita

  • Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon
  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.