• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home PBA

46th Season opening ng PBA, pinaghahandaan na

Balita Online by Balita Online
May 4, 2021
in PBA
0
1-1 serye, babasagin ng Kings at Batang Pier
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
ni MARIVIC AWITAN

Pumayag ang mga opisyal ng lalawigan ng Batangas upang maging host ng mga practice sessions ng mga koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa kanilang paghahanda sa planong pagbubukas ng 46th season ng liga sa susunod na buwan.

Pagkaraan ng ilang serye ng pag-uusap sa pagitan nina PBA commissioner Willie Marcial, Batangas City Mayor Beverley Dimacuha at Representative Marvin Mariño, napagkasunduan na simulan sa kalagitnaan ng buwan.

“Okay na ang LGU. JAO (Joint Administrative Order from the Department of Health and Games and Amusements Board and Philippine Sports Commission and maybe we can start practices by the middle of May,” wika ni Marcial.

Hindi gaya ng Metro Manila at mga kalapit lalawigan na Cavite, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), ang Batangas ay kasalukuyang nasa ilalim ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ).

Ayon pa kay Marcial, hanggang pitong team ang may planong magdaos ng training camp sa Batangas na may dalawang training centers sa Batangas City Coliseum at Batangas State University Gym.

Gayunman, hindi binanggit kung habang nasa training ay sa Batangas na din muna mananatili ang mga team.

Dahil wala pang linaw ang lahat, may mga hindi sumang-ayon sa balak na pagsasanay sa Batangas dahil sa layo nito sa Metro Manila.

Kabilang na rito si Meralco head coach Norman Black na nagsabing susubukan nilang maghanap ng ibang lugar.

“Batangas is quite away from Metro Manila. I’m not sure if we’re going to take advantage of that,” ani Black. “A lot of my guys live in Quezon City, so that’s quite a waste to travel everyday to Batangas.”

“First, we have to figure out where we could train. Until we can figure out the logistics and all, we just have to wait on what exactly is going to happen going forward,” dagdag nito.

Tags: philippine basketball association
Previous Post

Wanted sa murder, bulagta sa encounter

Next Post

4 Pinoy jins, sasabak sa Asian Olympic Qualifiers sa Jordan

Next Post
PSC Rise Up, tampok ang dancesports

4 Pinoy jins, sasabak sa Asian Olympic Qualifiers sa Jordan

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.