• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Probinsya

3 supplier ng armas ng BIFF, tiklo sa Maguindanao checkpoint

Balita Online by Balita Online
May 4, 2021
in Probinsya
0
3 supplier ng armas ng BIFF, tiklo sa Maguindanao checkpoint
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
ni FER TABOY

Iniimbestigahan ngayon ng militar ang tatlong supplier ng baril at bala ng mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na naaresto sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.                                                                                

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, namataan ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army ang tatlo suspek na kahina-hinala ang kinikilos habang sakay ng gray na Honda Civic na may plakang YDP-800 sa bahagi ng Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Tinanong ng mga sundalo ang mga suspek kung ano laman ng kargamento sa kotse at nang ipakita ito sa kanila ay tumambad ang isang kahon na may laman na 6,000 rounds ng bala ng M16 Armalite rifles.

Dahil walang naipakitang papeles ang mga suspek ay agad silang hinuli.

Pinaniniwalang dadalhin ng tatlo ang mga bala sa kuta na BIFF na halos paubos na ang mga bala resulta ng kalat-kalat nitong sagupaan sa militar.

Tumanggi muna ang pulisya at militar na isapubliko ang pagkakilanlan ng mga suspek habang patuloy  ang imbestigasyon.

Tags: Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
Previous Post

Duque: Pagpabakuna ni Duterte magpapalakas sa kumpiyansa ng mga nag-aalangan

Next Post

Kris Bernal nagpakita ng pruweba na natural ang ilong

Next Post

Kris Bernal nagpakita ng pruweba na natural ang ilong

Broom Broom Balita

  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
DepEd, aminadong kulang sa guidance counselors sa mga paaralan; problema agad daw sosolusyunan

Gurong sangkot umano sa namatay na estudyante, pinag-leave of absence muna ng DepEd

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.