• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

Moderna vaccines, humihingi ng EUA sa FDA

Balita Online by Balita Online
May 2, 2021
in PAGTANAW AT PANANAW
0
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
ni BERT DE GUZMAN

Nakiusap ang United States COVID-19 vaccine maker na Moderna at Zuellig Pharmacy sa Food and Drug Administration na pagkalooban sila ng emergency use authorization (EUA) para sa mRNA-1273.

Hinirang ng Moderna ang commercial division ng Zuellig na ZP Therapeutics bilang vaccine distributor sa Pilipinas.

Sinabi ni FDA director general Rolando Enrique Domingo na sinusuri ng kanilang vaccine panel ang mga data na isinumite ng Zuellig. “Nais naming pasalamatan ang gobyerno ng Pilipinas sa kanilang pakikipagtulungan para madala ang Moderna sa Pilipinas,” pahayag ni Moderna chief executive Stephane Bancel.

Samantala, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maganda itong development dahil matatamo ng bansa ang ahikain nitong mabakunahan ang 70 milyong Pilipino. Sa ngayon, tanging Sinovac at AstraZeneca ang mga bakuna na nasa Pilipinas na.

Suportado ni presidential adviser on entreprenuership Jose “Joey” Concepcion ang panukalang batas na naglalayong maging mandatory ang pagbabakuna ng Covid-19 sa mga mamamayan dahil ito ang magsisilbing susi sa muling pagbangon ng ekonomiya.

Naghain si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ng House Bill 9252 (Mandatory COVID-19 Immunization Act of 2021) na nag-aatas sa mga ospital ng pamahalaan at health centers na bakunahan ang lahat ng Pilipino nang libre laban sa virus.

Ayon kay Concepcion: “Vaccination is the only way we can get through this pandemic and vaccinating the employed sector will expedite the country’s return to economic recovery.” Inihalintulad niya ang Covid-19 pandemic sa isang digmaan na kailangang sapilitan ang pakikisangkot ng lahat ng mamamayan para labanan ang pandemya.

Simula nitong Mayo 1, pinaikli na ang curfew hours para pasiglahin ang negosyo. Sang-ayon ang mga Metro Manila mayor sa hakbanging ito.

“Lahat ng local chief executive sa Metro Manila ay katig na magpatibay ng kani-kanilang executive orders at/o mag-adopt ng mga ordinansa para sa tamang implementasyon ng standardized at unified curfew hours,” saad ng Metro Manila Council (MMC), ang governing at policy making ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa panahon ngayon ng matinding pandemya, talagang kailangang balansehin ang mga isyu tungkol sa pananalasa ng Covid-19 na mahigit na sa isang milyong Pinoy ang tinamaan samantalang dapat ding intindihin at protektahan ang ekonomiya at trabaho ng milyun-milyong manggagawa na nangawalan ng trabaho.

Tags: COVID-19Emergency use authorizationunited states
Previous Post

Drive-thru community pantry para sa PUJ drivers, itinayo ng MPD

Next Post

Maricel Laxa: I don’t mind acting again

Next Post
Maricel Laxa: I don’t mind acting again

Maricel Laxa: I don't mind acting again

Broom Broom Balita

  • Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris
  • Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila
  • Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers
  • NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas
  • Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang
Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

August 10, 2022
Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

August 10, 2022
Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers

Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers

August 10, 2022
NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas

NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas

August 10, 2022
Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

August 10, 2022
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

August 10, 2022
‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

August 10, 2022
Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

August 10, 2022
Utang ng Pilipinas, aabot na sa ₱12.09T — BTr

BSP, muling nagbabala vs phishing scam

August 10, 2022
Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.