• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

KCS Computer-Mandaue, No.2 sa semifinals ng VisMin Cup

Balita Online by Balita Online
April 28, 2021
in Sports
0
KCS Computer-Mandaue, No.2 sa semifinals ng VisMin Cup
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ALCANTARA— Pinatatag ng KCS Computer Specialist-Mandaue City ang magiging katayuan sa semifinal matapos padapain ang Tabongon, 82-71, nitong Miyerkoles sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Nailista ng KCS ang ikalawang sunod napanalo sa second round para sa kabuuang 7-2 marka sa double-round robin eliminations ng kauna-unahang professional basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Sa kabila ng pagkakaroon lamang ng siyam na players sa rotation, nagawang makipagtagisan ng Tabongon para makadikit sa 23-25 sa kaagahan ng second period, ngunit sumiklab ang opensa ng KCS sa long distance, tampok ang anim na sunod na three-pointer para sa 26-2 run at hilahin ang bentahe sa 49-29 sa halftime.

 “It’s about time that Steve Castro gets his breakout game kay since the start sa league, siya ang pinaka consistent and giving quality minutes for the team,” pahayag ni KCS assistant coach Jabby Bautista.

Naisalpak ng KCS ang 10 three-pointers sa first half.

Umabot sa pinakamalaking 29 puntos, 61-32, ang bentahe ng Mandaue, ngunit nagawa pa ring makalapit ng Tabogon sa 62-69 matapos ang tree-pointer ni Richmond Bersabal. Subalit, nagpakatatag ang KCS, sa pangunguna nina Castro para sa 75-62 bentahe may 3:03 ang nalalabi sa final period.

Nanguna si Gyrann Mendoza sa KCS na may 19 puntos, anim na rebounds, dalawang assists, at dalawang steals, habang kumubra si Castro ng 16 puntos, dalawang rebounds at tatlong steals.

Nakamit ng Tabogon ang ikatlong sunod na kabiguan para sa 3-6.

Hataw si Arvie Bringas sa Tabogon sa naiskor na 19 puntos at siyam na rebounds.

Haharapin ng KCS-Mandaue para sa huling laro sa second round ang Dumaguete Biyernes ng gabi, habang haharapin ng Tabogon ang Dumaguete Huwebes ng gabi.

Iskor:

KCS-Mandaue (82)—Mendoza 19, Castro 16, Delator 11, Soliva 10, Bongaciso 8, Solera 7, Mercader 5, Imperial 3, Roncal 2, Exciminiano 1, Nalos 0, Cachuela 0

Tabogon (71)—Bringas 19, Diaz 12, Bersabal 12, Orquina 8, Lacastesantos 6, Caballero 6, Rodriguez 4, Sombero 2, Vitug 2

Quarterscores: 21-18, 49-29, 65-45, 82-71.

Tags: VisMin Cup
Previous Post

Pamamahagi ng Ivermectin, ipinipilit pa rin

Next Post

Mga Pinoy na galing India, ‘di muna papapasukin ng Pilipinas

Next Post
Pagpapaikli ng quarantine period para sa OFWs, pinag-aaralan pa

Mga Pinoy na galing India, ‘di muna papapasukin ng Pilipinas

Broom Broom Balita

  • Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca
  • Laya muna sa libel case: Mon Tulfo, nagpiyansa na!
  • Karen Davila, pabor sa desisyon ni Robin na talikuran muna ang showbiz, pokus sa pagiging senador
  • Petisyon ni Palparan sa kidnapping case, ibinasura ng korte
  • Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP
Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca

Barbie, ipinagmalaki ang stretch marks sa boobelya; nakipaglambingan kay Tony Labrusca

May 19, 2022
Laya muna sa libel case: Mon Tulfo, nagpiyansa na!

Laya muna sa libel case: Mon Tulfo, nagpiyansa na!

May 19, 2022
Karen Davila, pabor sa desisyon ni Robin na talikuran muna ang showbiz, pokus sa pagiging senador

Karen Davila, pabor sa desisyon ni Robin na talikuran muna ang showbiz, pokus sa pagiging senador

May 19, 2022
Petisyon ni Palparan sa kidnapping case, ibinasura ng korte

Petisyon ni Palparan sa kidnapping case, ibinasura ng korte

May 19, 2022
Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP

Darryl Yap, ‘pinagtaasan ng kilay’ ng basher; nilinaw ang tungkol sa alok daw maging chairperson ng FDCP

May 19, 2022
10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

10.9M Pinoy, nagsabing sila ay ‘mahirap’ — SWS

May 19, 2022
₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque

₱177K ‘shabu’ nasabat sa Taguig at Parañaque

May 19, 2022
Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen

Pinag-usapang turon sa Amanpulo, flinex ng isang bakasyunistang netizen

May 19, 2022
Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

Babala ni Dr. Solante: ‘Covid-19 cases, tataas sa mga lugar na mababa ang vaxx rate’

May 19, 2022
Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

Ogie Diaz, nag-react sa pahayag ng Cebu Pacific: ‘Yun lang yon?’

May 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.