• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

5 Pinoy rowers, sasabak sa Asia and Oceania Olympic qualifiers

Balita Online by Balita Online
April 26, 2021
in Sports
0
PSC Rise Up, tampok ang dancesports
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter
ni MARIVIC AWITAN

Limang Filipino rowers ang sasabak sa karera para sa target na Olympic berth sa 2021 World Rowing Asian and Oceanian Olympic Qualification Regatta sa susunod na buwan sa Tokyo, Japan.

Gaganapin ang mga karera para sa Asia and Oceania Olympic qualifers sa Mayo 5-7 sa may Sea Forest Waterway sa Tokyo Bay, ang mismong venue ng Tokyo Olympics rowing competitions.

Ang tambalan nina  Melcah Caballero at Joanie Delgaco na nagwagi ng gold medal sa women’s lightweight double sculls event noong 2019 Southeast Asian Games ay makikipagsapalaran upang masungkit ang isa sa tatlong nakatayang Olympic slots sa kanilang division.

Makikipag-agawan naman ang tambalan nina Roque Abala Jr. at  Zuriel Sumintac sa nakatayang tatlo ring Olympic tickets sa men’s lightweight double sculls.

Mag-isa namang sasalang si 2019 SEA Games gold medalist Cris Nievarez sa men’s lightweight singles sculls event kung saan may nakatayang limang Olympic slots.

Ayon kay national team coach Ed Maerina , nakapagsanay naman ng tuluy-tuloy ang mga Pinoy rowers anim na beses kada linggo sa mga nakalipas na buwan sa kabila ng mga paghihigpit na ipinatutupad ng gobyerno dulot ng COVID-19 pandemic sa La Mesa Dam kung saan sila nagsasanay at nanunuluyan sa ilalim ng superbisyon nila ng Uzbek mentor na si Shukhrat Ganiev.

Nitong nakaraang Pebrero, sumali sina Caballero at Delgaco sa virtual 2021 World Indoor Rowing Championships kung saan pumang-apat si Caballero sa women’s 500m race habang pang sampu naman si Delgaco sa women’s Under-23 500m race.

Determinado  ang limang Pinoy rowers na mag qualify at makasunod sa yapak nina Maerina at Benjamin Tolentino bilang mga natatanging mga Filipino na nakalahok sa Summer Olympics rowing competitions.

Tags: 2021 Tokyo OlympicsAsia and Oceania Olympics
Previous Post

Mutual Defense Treaty may bisa ba ito sa WPS?

Next Post

ABS-CBN sumuporta kay Angel Locsin

Next Post

ABS-CBN sumuporta kay Angel Locsin

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.