• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH: Utilization rate ng ICU beds sa 5 priority regions, nasa high to critical risk

Balita Online by Balita Online
April 21, 2021
in Balita
0
DOH: Utilization rate ng ICU beds sa 5 priority regions, nasa high to critical risk

A patient using oxygen tank is transported through a wheelchair outside the Sta. Ana Hospital in Manila, on 6 April 2021. A number of government hospitals have declared full capacity for coronavirus patients with Covid-19 cases in the country recently reaching near 800,000 numbers. Over the weekend, the Philippine Orthopedic Center, the National Kidney and Transplant Institute, and recently the Lung Center of the Philippines, have declared full capacity of their Covid-19 wards and beds.(photo by ali vicoy)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni MARY ANN SANTIAGO

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa high to critical risk na ang utilization rate ng mga intensive care units (ICU) beds sa limang “priority regions” sa bansa, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.

Batay sa inilabas na datos ng DOH, hanggang nitong Abril 18, ang ICU utilization rate sa Metro Manila ay nasa 84% na; 73% sa Cordillera

Administrative Region (CAR); 88% sa Cagayan Valley, 87% sa Central Luzon, at 83% sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon).

Sa ilalim ng DOH guidelines, ang isang area ay kinaklasipikang moderate risk kung ang ICU utilization rate nito ay nasa pagitan ng 60% at 69%; high risk kung sa pagitan ng 70% at 84%, at critical risk kung nasa 85% pataas.

Samantala, ang overall healthcare utilization rate (HCUR), na tumutukoy sa occupancy ng mga ward, isolation, at ICU beds, sa naturang limang rehiyon ay nasa moderate to high risk.

Nabatid na ang Metro Manila, na may 67% na HCUR ay nasa moderate-risk category na habang ang Central Luzon ay nasa kaparehong kategorya rin sa rate na 61%.

Ang HCUR sa CAR, Cagayan Valley, at Calabarzon ay nasa high-risk zone na matapos na umabot sa 70% pataas.

“We need to be very clear, kailangan po ng caution sa pag-interpret nitong HCUR kasi katulad po ng sabi namin, nadi-dilute po ito dahil lahat po ng levels ng ospital ay kasama po dito,” sinabi ni Vergeire, sa isang online briefing.

Ipinaliwanag niya na ang HCUR ay apektado ng ilang factors, kabilang na rito ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at ang progression ng mga sintomas ng mga pasyente.

“Maraming kailangan pag-isipan na factors na makakaapekto sa HCUR natin so that we can appropriately interpret it at maintindihan natin,” aniya pa.

Base sa COVID-19 tracker ng DOH, ang occupancy rate levels ng mga pagamutan ay ikinukonsiderang ligtas kung ito ay mas mababa sa 60%, moderate kung nasa 60% hanggang bago mag-70%, high risk kung nasa 70% hanggang mas mababa sa 85% at kritikal kung nasa 85% pataas.

Hanggang nitong Martes ng hapon, nakapagtala na ang Pilipinas ng kabuuang 952,106 COVID-19 cases, kabilang rito ang 809,959 recoveries at 16,141 na namatay.

Tags: COVID-19department of health
Previous Post

Barangay 35 sa Caloocan, ini-lockdown

Next Post

US naglabas ng travel restrictions para sa PH dahil sa ‘very high’ level ng mga kaso ng COVID-19

Next Post

US naglabas ng travel restrictions para sa PH dahil sa 'very high’ level ng mga kaso ng COVID-19

Broom Broom Balita

  • Lorna Tolentino, inabot ng 3 taon sa ‘Ang Probinsyano’ na dapat 10 araw lang
  • ‘Jericho Rosales’ look-alike na si Junrey Baug, nag-courtesy call sa mayor; itatampok sa KMJS
  • Fully-vaxxed adult sa Muntinlupa, umabot na sa higit 517,000
  • Vice Ganda, bakit pinag-sorry on-air sa ‘It’s Showtime’ si Ruffa Gutierrez?
  • Aktres na si Cherry Pie Picache, windang sa presyo ng puting sibuyas kada kilo
Lorna Tolentino, inabot ng 3 taon sa ‘Ang Probinsyano’ na dapat 10 araw lang

Lorna Tolentino, inabot ng 3 taon sa ‘Ang Probinsyano’ na dapat 10 araw lang

August 13, 2022
‘Jericho Rosales’ look-alike na si Junrey Baug, nag-courtesy call sa mayor; itatampok sa KMJS

‘Jericho Rosales’ look-alike na si Junrey Baug, nag-courtesy call sa mayor; itatampok sa KMJS

August 13, 2022
Boosted population sa Muntinlupa, nasa 121,000 na!

Fully-vaxxed adult sa Muntinlupa, umabot na sa higit 517,000

August 13, 2022
Vice Ganda, bakit pinag-sorry on-air sa ‘It’s Showtime’ si Ruffa Gutierrez?

Vice Ganda, bakit pinag-sorry on-air sa ‘It’s Showtime’ si Ruffa Gutierrez?

August 13, 2022
Aktres na si Cherry Pie Picache, windang sa presyo ng puting sibuyas kada kilo

Aktres na si Cherry Pie Picache, windang sa presyo ng puting sibuyas kada kilo

August 13, 2022
Marcos, hands-off sa imbestigasyon vs sugar import order

Marcos, hands-off sa imbestigasyon vs sugar import order

August 13, 2022
Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

Departamento ng Kasaysayan sa UP, may libreng webinar para sa mga guro ng Kasaysayan ng Pilipinas

August 13, 2022
Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

Police assistance, mahigpit na ipatutupad sa Cordillera

August 13, 2022
Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

Lovi Poe, may ‘short but sweet’ birthday message para sa dyowang scientist, filmmaker

August 13, 2022
Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

Batang kinupkop, pinag-aral ng hepe ng pulisya sa Zamboanga Del Norte, inulan ng tulong

August 13, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.