• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

VP Leni naka-quarantine, Sotto gumagamit ng Ivermectin

Balita Online by Balita Online
April 20, 2021
in PAGTANAW AT PANANAW
0
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni BERT DE GUZMAN

Si Vice Pres. Leni Robredo ay naka-self-quarantine ngayon matapos ang close-in-security niya ay nagpositibo sa COVID-19.

Sa Facebook post, sinabi ni VP Leni na uuwi sana siya sa Bicol para magbigay-galang sa yumaong kaibigan, pero tumanggap siya ng tawag (contract tracing call) na nagsasabing nagpositibo sa virus ang kanyang close-in-security. Ipinasiya niyang mag-self-quarantine.

Inamin ni Senate Pres. Vicente Sotto III noong Sabado na gumagamit siya ng Ivermectin bilang panlaban sa COVID-19. Mahigit na sa 15,000 Pilipino ang namatay dahil sa bagsik ng coronavirus. “Gumagamit ako nito minsan tuwing ika-2 linggo bilang prevention.”

Kinondena ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang umano’y pag-iimbak (hoarding) ng limitadong COVID-19 vaccines at sinabing hindi ito makabubuti sa kabutihan ng taumbayan na kailangan ang bakuna.

Sa kanyang mensahe sa online special ministerial meeting ng United Nations Economic and Social Council (UN-ECOSOC) noong Biyernes, sinabi niyang ang pagho-hoard ng mga bakuna “at katulad na mga transgressions ay salungat sa solidaridad o pagkakaisa na narating ng mga bansa na nagsasaad sa kahalagahan ng nagkakaisang aksiyon.”

Pinuri ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. ang Philippine Coast Guard (PCG) sa seryosong pagpapatrulya nito sa West Philippine Sea (WPS). “Gumamit kayo ng regular vessels please, iron hulls, come well within the definition of a public vessel whose sinking trigger the mutual defense treaty clear as a crystal.”

Ang tinutukoy rito ni Locsin ay ang PH-US Mutual Defense Treaty na nagsasaad na magtutulungan ang dalawang bansa kapag inatake ng ibang bansa. Sa isa pang tweet, sinabi ng Kalihim na ang pagpapalubog sa PCG vessel ay magiging gatilyo sa World War III sa ilalim ng mga termino ng tratado ng US at PH.

Sinabi ng mga eksperto sa kalusugan na hindi na kailangan pang kunin ang blood pressure, heart rate sa vaccination screening. Sa isang-pahinang magkasanib na pahayag ng Philippine Heart Association (PHA) at Philippine Society of Hypertension (PSH), sinasabing nagkakaroon umano ng “significant vaccination deferrals and delays” dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Subalit ngayon, ayon sa PHA at PSH, ang pagkakaroon ng high blood pressure ay hindi nagresulta sa ano mang seryoso o life-threatening events na may kaugnayan sa COVID-19 vaccines. Anila, para malimitahan ang oras ng face-to-face na paghaharap at mapabilis ang bakunahan, binago nila ang kanilang mga rekomendasyon.

“Hindi na kailangang kunin pa ang vital signs, gaya ng tibok ng puso, blood pressure, bilis ng paghinga sa panahon ng screening maliban na lang kung ang binabakunahan ay nasa distress na nangangailangan pang magsagawa ng karagdagang ebaluwasyon,” ayon sa PHA at PSH.

Sa personal na kalagayan, ako at ang ex-GF ko ay nakaraos na sa unang turok (jab) ng bakuna. Sabi ng mga eksperto, 70 porsiyento raw ng mortality ay tumatama sa mga senior na 70+ na kaya kapag nabakunahan ka na, meron ka nang unang linya ng depense (first line of defense) laban sa salot na itong napakabagsik ang lason!

Tags: COVID-19
Previous Post

Mga mulat na mata sa gitna ng problema sa WPS

Next Post

Pagbangon sa pagkalugmok

Next Post
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis

Pagbangon sa pagkalugmok

Broom Broom Balita

  • Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros
  • Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan
  • Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor
  • Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla
  • ₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!
Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

Pagpapasara ng SEC sa Rappler, kinondena ni Hontiveros

June 30, 2022
Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

Grand Lotto 6/55 draw: Halos ₱300M jackpot, ‘di pa napapanalunan

June 30, 2022
Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

Joy Belmonte, nanumpa na rin bilang QC mayor

June 30, 2022
Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

Hindi press freedom suppression ang desisyon ng SEC kontra Rappler — Revilla

June 30, 2022
₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

₱2 dagdag-pasahe sa PUJ sa NCR, Region 3, 4 aprub na!

June 29, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

Kampanya kontra krimen, nalambat ang 4 drug suspect, 54 wanted person sa Cordillera

June 29, 2022
OCTA, idineklarang ‘very low risk’ para sa COVID-19 ang Metro Manila

PNP, pinuri ang 4 na Metro Manila LGU na nagdeklara ng special non-working holiday sa Huwebes

June 29, 2022
Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

Kaso ng African swine fever sa bansa, bumaba na! — DA

June 29, 2022
Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

Radio block time anchor, patay sa pamamaril sa Cagayan de Oro

June 29, 2022
Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

Mga nasawi sa Pampanga fluvial parade, umakyat sa 3; 9 na iba pa, nagtamo ng sugat

June 29, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.