• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

‘Hirap ka na ngang huminga, sinasakal ka pa’: Hospitals na hindi nagdagdag ng bed capacity para sa COVID-19 patients, pinadalhan ng DOH ‘notice’

Balita Online by Balita Online
April 20, 2021
in National / Metro
0
10 kaanak, naka-quarantine na sa Cagayan
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni MARY ANN SANTIAGO

Kinumpirma ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi) na may ilang pribadong pagamutan sa bansa ang pinadalhan ng Department of Health (DOH) ng ‘notice of first offense’ matapos na mabigong makapagdagdag ng kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients.

Nabatid na sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act, ang mga public at private hospitals ay kinakailangang magdagdag ng kanilang capacity para sa COVID-19 cases.

Ang mga pribadong pagamutan ay dapat na magdagdag ng 30% mula sa 20% capacity dahil na rin sa panibagong surge ng COVID-19 cases.

Ayon naman kay PHAPi president Dr. Jose Rene De Grano, kahit naisin man nilang tumalima sa kautusan ay hindi aniya ito ‘doable’ dahil sa kakulangan ng healthcare workers na magma-manage dito.

“Although we would like to, it’s not really doable kasi we can increase the number of beds but who will manage that?” ayon kay De Grano, sa panayam sa telebisyon. “Walang pagkukunan ng additional na nurses. Otherwise, masa-sacrifice ‘yung mga non-COVID areas ng hospital. Hirap ka na ngang huminga, sinasakal ka pa.”

Idinagdag rin ni De Grano na kung notice lamang ang natanggap ng mga pagamutan sa unang paglabag nila sa kautusan, sa ikalawang opensa ay mahaharap sila sa mas istriktong penalties.

“Please be reminded that [the] same violations will be meted with stricter penalties. Sa (for the) second offense po, P20,000 na po ang penalty,” ayon pa kay De Grano.

Sinabi naman ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, na ang mga pagamutan na nangangailangan ng dagdag na manpower ay kailangan lamang mag-request ng assistance mula sa kanilang regional health director.

Matatandaang kamakailan ay may dalawang batch na ng mga doktor at mga nurse mula sa ibang rehiyon ang idineploy patungo sa Metro Manila upang tumulong sa panibagong surge ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Nagtayo na rin ang DOH ng modular hospitals at tents upang tugunan ang surge ng COVID-19 cases. 

Target ng pamahalaan na makapagtayo ng lima pang karagdagang modular hospitals sa Hunyo. 

Tags: COVID-19doh
Previous Post

AFP, PNP sasabak sa cross-training

Next Post

Pumatay sa air con technician, tukoy na ng pulisya

Next Post
probinsya

Pumatay sa air con technician, tukoy na ng pulisya

Broom Broom Balita

  • Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10
  • ‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?
  • Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa
  • Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!
  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.