• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Bishop Pabillo, hinikayat ang mga pari ng Archdiocese of Manila na magtatag din ng community pantry

Balita Online by Balita Online
April 19, 2021
in National / Metro
0
Bishop Pabillo, hinikayat ang mga pari ng Archdiocese of Manila na magtatag din ng community pantry
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni MARY ANN SANTIAGO

Hinihikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga pari sa Archdiocese of Manila na magtayo na rin ng community pantry, kung saan maaaring mag-donate ng mga pagkain ang mga taong may kakayahan at kumuha naman ng libre ang kahit na sinong nangangailangan ng pagkain.

Ikinatuwa ni Pabillo ang naturang proyekto dahil makikita, aniya, rito ang pagtutulungan ng mga mamamayan upang maibsan ang paghihirap ng kapwa ngayong nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pabillo, ito ay isang konkretong hakbang na nagpapakita ng pagiging bukas-palad ng mga Pinoy sa pangangailangan ng kapwa.

“We commend the initiative of the community pantry kasi ito po ay nagpapakita ng pagtutulungan.  It’s a very good way of spreading generosity and bayanihan among us,” paliwanag pa ni Pabillo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Matatandaang kamakailan ay may isang taong mabuting puso ang nagpasimula ng Maginhawa Community Pantry sa Maginhawa St., Quezon City kung saan maaaring maglagay ang sinumang may kakayahan at nais tumulong, ng iba’t ibang uri ng pagkain tulad ng bigas, gulay, de lata at iba pang pangunahing pangangailangan.

Maaari namang kumuha ng pagkain doon ang mga taong nangangailangan nito.

May kalakip din namang paalala ang community pantry na ‘Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan.’

Nag-viral online ang naturang adbokasiya na agad lumaganap hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Kaugnay nito, nagpaalala naman si Pabillo sa mga mamamayan na kumuha lamang ng sapat upang mabigyan ng pagkakataon ang iba na magkaroon ng pagkain sa kanilang hapag-kainan.

“Hinihiling lang natin na we get what we need for that day believing that God will provide for another day.  Iwasan po ang hoarding na pansarili lamang,” aniya pa.

Naniniwala si Pabillo na kung mas maraming  mga community pantries sa buong bansa mas higit na pansamantalang matutulungan ang mamamayan sa pang araw-araw na pangangailangan.

Dahil dito hinimok ni Pabillo ang mga parokya sa arkidiyosesis lalo na ang mga Basic Ecclesial Communities (BEC) na tularan ang magandang inisyatibo.

“Dito sa Manila ini-encourage ko po ang mga pari, ang mga parokya o sa pamamagitan ng mga BECs na makiisa sa ganitong initiative; it’s a good way of spreading this bayanihan among us,” aniya.

Tags: Bishop PabilloCOVID-19
Previous Post

DepEd: COVID-19 vaccination sa mga public school teachers, sisimulan sa Hunyo

Next Post

Mga mulat na mata sa gitna ng problema sa WPS

Next Post
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis

Mga mulat na mata sa gitna ng problema sa WPS

Broom Broom Balita

  • P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet
  • Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez
  • Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint
  • Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon
  • 2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental
P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

P1.4-M halaga ng pinatuyong marijuana, narekober sa isang tumaob na sasakyan sa Benguet

July 3, 2022
Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

Unang babaeng gobernador ng Quezon, nanumpa kay Associate Justice Lopez

July 3, 2022
Matandang motorista, patay matapos sumalpok sa isang konkretong poste sa Cagayan

Tricycle driver sa Pangasinan, timbog matapos mahulihan ng shabu sa isang checkpoint

July 3, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

July 3, 2022
2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

2 lider ng NPA, 1 pa, sumuko sa Misamis Oriental

July 3, 2022
‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

‘Di pa rin masugpo? ₱1.7B shabu, kumpiskado ng PNP, PDEA sa Cavite

July 3, 2022
Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

Bagong farm-to-market road sa Apayao, nakikitang maghahatid ng pagsulong sa agri sektor

July 3, 2022
DOH, ‘di inirerekomenda ang antigen test para sa mga maghahain ng COCs sa Oktubre

Higit 1,300 bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Linggo

July 3, 2022
CPP-NPA, mas epektibo raw ang mga hakbang sa pagtugon ng COVID-19 pandemic sa kanayunan?

Nakatagong mga armas ng NPA, nadiskubre sa Tarlac

July 3, 2022
Private hospitals, nakahanda sakaling muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa banta ng Omicron

Marcos, hinikayat na apurahin na ang pagpili ng bagong ‘responsableng’ hepe ng DOH

July 3, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.