• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Clearing works sa itatayong train station sa Calumpit, sinimulan ng DOTr at PNR

Balita Online by Balita Online
April 15, 2021
in National / Metro
0
Clearing works sa itatayong train station sa Calumpit, sinimulan ng DOTr at PNR
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni MARY ANN SANTIAGO

Pinasimulan na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Philippine National Railways (PNR) ang clearing works sa eksaktong lugar na pagtatayuan ng bagong istasyon ng tren sa Calumpit na nasa Barangay Iba O’ Este.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, ang sinimulang clearing works ay bahagi ng pre-construction activities bilang paghahanda sa aktwal na pagtatayo ng Phase 2 ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

Aniya, tinatawag din itong Malolos-Clark Railway Project na bubuhay sa dating ruta ng riles ng PNR mula sa lungsod ng Malolos hanggang sa Clark International Airport.

Nabatid na ang itatayong tatlong palapag na Calumpit station ay sakop ng Contract Package N-01 na maglalatag ng riles ng tren mula Malolos hanggang sa Apalit, Pampanga.

Gagawin ito ng kontratista na joint venture ng Korean companies na Hyundai Engineering & Construction Corporation Ltd., Dong-Ah Geological Engineers Corporation Ltd at Pilipinong Kompanya na Megawide Construction Corporation.

Ayon kay Libiran, nagkakahalaga ang Contract Package N-01 na ito ng P28.3 bilyon na bahagi ng kabuuang P286 bilyong pahiram na pondo ng Asian Development Bank.

May hiwalay pang P201 bilyong Official Development Assistance ang Japan International Cooperation Agency para sa pag-assemble ng mga bagon ng tren para sa NSCR Phase 2.

Ito ay tinagurian na kauna-unahang airport train ng Pilipinas ang NSCR Phase 2 dahil aabot ang riles at istasyon sa mismong Clark International Airport na 53 kilometro mula sa Malolos.

Sa sandal umanong matapos ang proyekto sa taong 2023 ay ikakabit ito sa riles ng NSCR Phase 1 sa Malolos.

Mula rito, aabot hanggang sa Tutuban sa Maynila ang biyahe ng tren.

Sa tulong nito, ang dating dalawang oras na biyahe mula sa Maynila hanggang sa Clark ay mababawasan at aabot ng halos isang oras na lamang. 

Tags: DOTrpnr
Previous Post

‘Machete’ huli sa shabu

Next Post

VisMin Cup, reresolbahin ang isyu na umano’y ‘game-fixing’

Next Post
VisMin Cup, reresolbahin ang isyu na umano’y ‘game-fixing’

VisMin Cup, reresolbahin ang isyu na umano'y 'game-fixing'

Broom Broom Balita

  • Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon
  • Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa
  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.