• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon PAGTANAW AT PANANAW

Magkasanib na military exercises ng US at PH

Balita Online by Balita Online
April 14, 2021
in PAGTANAW AT PANANAW
0
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni Bert De Guzman

MAGDARAOS ng magkasanib na military exercises ang tropa ng Pilipinas kasama ang daan-daang sundalo ng United States sa susunod na dalawang linggo sa gitna ng lumalalang tensiyon sa South China Sea bunsod ng pagiging agresibo ng dambuhalang China.

Ang taunang war games sa pagitan ng dalawang magkaalyado– Pilipinas at US– ay nakansela noong 2020 dahil sa pag-iral ng coronavirus pandemic. Ayon kay AFP chief of staff Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang military exercises ngayon ay mas maliit kumpara sa nakalipas na mga taon bunsod ng COVID-19 pandemic.

May 700 US soldiers at 1,300 kawal ng Philippine military ang lalahok sa joint military exercises. “The exercise this year is a hybrid of virtual and physical activities,” ayon kay Sobejana. “It’s a low-key exercise, just to keep the alliance — the contact — between the two armed forces.”

Samantala, hindi agad nagpalabas ng komento ang US Embassy sa Maynila tungkol sa magkasanib na ehersisyong-militar. Ayon sa report, ang pahayag tungkol sa joint military exercises ay lumabas matapos ang ilang oras na mag-usap sa telepono sina US Defense Secretary Lloyd Austin at si Defense Sec. Delfin Lorenzana, na nitong nakaraang linggo ay nagpositibo sa coronavirus. 

Sa pahayag ng Pentagon, sinabing tinalakay ng dalawang opisyal ang situwasyon sa South China Sea, at ang pagdagsa ng People’s Republic of China maritime militia vessels sa Julian Felipe Reef (Whitsun Reef) na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Iminungkahi ni Austin na para mapalalim ang defense cooperation ng PH at US, kailangang mapalakas ang situational awareness sa mga banta sa South China Sea,” ayon sa Pentagon readout.

Ang tensiyon sa resource-rich sea ay lalong umigting sapul nang may 220 barko ng China ang naispatan noong nakaraang buwan sa Whitsun Reef (Julian Felipe Reef) na nasa Spratly Islands, na kung saan may hinahabol din o claim ang China, Brunei, Taiwan at iba pa.

Inaangkin ng bansa ni Pres. Xi Jinping ang halos buong SCS, kabilang ang West Philippine Sea (WPS), at patuloy sa pagtanggi sa mga apela ng PH na i-withdraw ang mga barko na ilegal na nakadaong sa dagat na saklaw ng Pilipinas.

Una rito, sinabi ng Beijing na ang mga bapor na naroroon ay pawang fishing vessels na nagkakanlong doon sanhi ng masamang panahon. Tumugon si Lorenzana nang pasarkastiko at sinabing hindi siya tanga para malaman na hindi naman masama ang panahon sa naturang lugar para magkanlong ang mga barkong-Tsina.

Pinaalalahanan ng United States ang China nitong nakaraang linggo na ang Washington (US) ay may treaty obligations sa Pilipinas at kapag ito ay inatake ng alinmang bansa sa kanilang karagatan, ang puwersa-militar ni Uncle Sam ay handang kumilos.

Tags: afpEEZmilitary exercisesSCSUS
Previous Post

KALUSUGAN: Dapat bang ilihim?

Next Post

Sana, huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala — Lacson

Next Post
Duterte, nakiramay sa pamilya ng tinodas na Laguna mayor

Sana, huling larong ‘hide-and-seek’ na ito ng Pangulo kasi maraming nag-aalala — Lacson

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.