• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

KALUSUGAN: Dapat bang ilihim?

Balita Online by Balita Online
April 14, 2021
in SENTIDO KOMUN
0
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni Celo Lagmay

SA kaigtingan ng pananalasa ng pandemya, lalo namang pinaiigting ng mga kritiko ng administrasyon ang kanilang mistulang pamimilit kay Pangulong Duterte na ilantad sa bayan ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Ang naturang kahilingan ay sinasabing nakaangkla sa mga sapantaha na ang Pangulo ay may karamdaman; kaakibat ito ng kanyang pagpapaliban ng kanyang pag-uulat sa bayan hinggil sa quarantine status sa National Capital Region (NCR) plus bubble na kinabibilangan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Subalit kagyat ang pahiwatig ng Malacañang: Walang sakit ang Pangulo: nagagampanan niya ang mga gawain bilang Pangulo ng bansa. Bigla kong naalala ang matagal nang nasambit ng Pangulo: Sino ba naman ang katulad kong tumatanda ang walang nararamdaman. Ngunit kamakailan lamang, mistula niyang pinasinungalingan ang mga impresyon ng mga kritiko nang kanyang sabihin na siya ay naglalaro ng golf at nagmamaneho ng motorsiklo sa Bahay Pagbabago compound sa Malacañang.

Aaminin ko na ang aking mga pananaw ay nakaangkla lamang sa aking natutunghayan sa mga print at broadcast outfit. Subalit hindi ito ang sentro ng mga argumento. Kailangan bang ilihim ang tunay na kalagayan ng kalusugan ng Pangulo?

Maaring may lohika ang naturang katanungan. Kailangang matiyak ng sambayanan na ang ating Pangulo ay buong lakas at sigla na nakatutupad sa kanyang sinumpaang tungkulin. Gayunman, hindi ko matiyak kung ang taumbayan ay may karapatang piliting ibunyag ng Pangulo ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. At hindi ko rin matiyak kung ang Pangulo ay may gayon ding karapatan. Sa anu’t anuman, hindi ba sapat nang matiyak ng mga mamamayan na ang Pangulo ay gumaganap ng kanyang mga tungkulin alisunod sa itinatadhana ng nilagdaan niyang Oath of Office?

Biglang sumagi sa aking utak ang gayon ding isyu na kinaharap ni dating Pangulong Fidel V. Ramos; lumutang din ang mga kahilingan na ilantad sa bayan ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Sa aking pagkakatanda, hindi inaasahan ng sambayanan nang inihayag mismo ng Pangulo na siya ay magpapaopera ng carotid sa Makati Medical Center. Naging tampok sa halos lahat ng media outfit ang surgical operation ng Pangulo sa naturang ospital.

Hindi itinago ng Malacañang ang naturang sakit ng Pangulo. Katunayan, iba’t ibang grupo ang pinahintulutang dumalaw sa kanya. Katunayan, mismong ang miyembro ng Malacañang Press Corps ang mistulang sumundo sa kanya sa paglabas sa MMC pauwi sa kanyang Presidential residence.

Hindi ba gayon ang dapat mangyari, kung pag-uusapan ang paglalantad sa tunay na kalusugan ng Pangulo?

Tags: malacanangMMCncr
Previous Post

Kanino ang sisi sa aksidente – driver o sasakyan?

Next Post

Magkasanib na military exercises ng US at PH

Next Post
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis

Magkasanib na military exercises ng US at PH

Broom Broom Balita

  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
  • UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

Dagdag-honoraria para sa mga gurong nag-OT sa eleksyon, aprub na!

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.