• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

SALUDO!

Balita Online by Balita Online
March 23, 2021
in Features, Sports
0
SALUDO!
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Davao Cocolife Tigers, kampeon sa MPBL Lakan Cup

SA pagkakataong ito, natengga man ng pandemic, hindi na pinakawalan ng Davao Cococlife Tigers kampeonato.

Kinumpleto ng South Division titlist Davao Occidental Cocolife Tigers ang dominasyon sa karibal at defending champion San Juan Knights sa makapigil-hiningang  89-88 panalo sa overtime upang angkinin ang Lakan Cup crown ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nitong Linggo sa SBMA gym sa Olongapo City.

NAGDIWANG ang mga players at coaching staff ng Davao Tigers matapos ang tagumpay laban sa San Juan para sa MPBL Lakan Cup title.

Isang pambali ng gulugod na tres ang ibinigay ni main man Mark Yee sa huling 14 segundo ng extra period ang sumelyo ng panalo para sa Davao Cocolife at tapusin ang best-of-five series sa 3-1.

Ang season’s best defensive player na si Yee ay kumamada ng  19 puntos, 12 rebounds at 3 blocks na sumunod kay topscorer Emman Calo na may 22 puntos sa pagtupad ng kanilang misyong ‘payback’ time kontra San Juan, bumigo sa kanila sa nakalipa sna season.

Sa pagsultada ng bakbakan, agad nagparamdam ang Tigers ng kanilang bangis nang lumamang ng 16 puntos sa unang yugto pero hindi bumigay ang San Juan sa pangunguna ni season MVP John Wilson, Jonnard Clarito, Larry Rodriguez at Mike Ayonayon upang idikit ang laban.

Ang    Davao Occidental  Tigers nina team owners Gov. Claude Bautista, Rep. Claudine Bautista, manager Dinko Bautista, basketball operation head Bong Baribar na suportado nina Cocolife president  Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque, ay nakuhang limitahan ang top gunner ng Knights na si Wilson partikular sa endgame.

 “Ramdam ko ang basbas ni God nang pawalan ko ang tres na iyon.Salamat Po!,” pahayag ni Yee sa pagtanggap ng kanyang finals MVP.

 “Sobrang sarap ng Gift of God na nagpasulit sa paghihirap ng buong team dito sa bubble” pahayag naman ni deputy manager Ray Alao na pinasalamatan at ang pangunahing taga-suporta na Cocolife.

 “We have big God from the start.Cocolife really believe in the management and all the members of the team as we will continue to support Davao Occidental Tigers if they wish to continue next season,” paniyak ni  SVP Ronquillo na sinegundahan ni VP Asnan.

“Cocolife has always believed in the capability of the team to rise despite the odds. The challenges that we have faced in the past pushed us to work harder and be smarter. It’s all about passion, respect and love for the team and the game. We offer everything to the Almighty”.

Iskor:

Davao Occidental (89) – Calo 22, Yee 19, Terso 11, Robles 11, Mocon 9, Balagtas 8, Gaco 4, Saldua 3, Custodio 2, Albo 0, Ludovice 0.

San Juan (88) – Rodriguez 19, Clarito 18, Isit 14, Wilson 13, Wamar 7, Tajonera 6, Gabawan 4, Ayonayon 3, Aquino 2, Estrella 2, Pelayo 0, Reyes 0.

Quarterscores: 24-18, 40-31, 56-60, 80-80. 89-88.

Tags: CocolifeMPBL
Previous Post

Harnessing the power of VR with Power Rangers and Snapdragon 835

Next Post

Kris sa mga kritiko: Tama na, sobra na, lalaban na!

Next Post
Kris sa mga kritiko: Tama na, sobra na, lalaban na!

Kris sa mga kritiko: Tama na, sobra na, lalaban na!

Broom Broom Balita

  • Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden
  • Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

June 3, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.