TULOY ang pagsirit sa WTA ranking ni Filipino tennis prodigy at Globe Ambassador Alex Eala.
Sa pinakabagong ranking na inilabas ng World Tennis Association, sumirit sa 763rd mula sa 942nd ang 15-anyos at iskolar ng Raffy Nadal Tennis Academy sa Spain.
Nagtala ng kasaysayan si Eala bilang unang Pinay na nagwagi ng professional women’s singles title nang biguin si Spanish netter Yvonne Cavalle-Reimers sa finals ng Rafael Nadal Academy ITF World Tennis Tour first leg nitong Enero sa Mallorca, Spain.
Sinundan niya ito ng matikas na quarterfinal finish sa second at third leg ng torneo bago sumabak sa Grenoble, France.
Sa Mallorca, naitala ni Eala, Globe Ambassador mula pa noong 2013, ang malalaking panalo laban sa mas matatanda at beteranong karibal tulad nina
number 2 seed Mirjam Bjorlund ng Sweden, Alba Carrillo Marin ng Spain, Ana Antigua De La Nunez at Silvia Ambrosio para makausad sa quarterfinals ng huling dalawang leg ng Manacor tour.
Sa Grenoble, France, naitala ni Eala sa W25 tournament ang panalo s amga batikang sina Laura Iona-Paar at 7th seed Cristina Bucsa bago mabigo kay Maja Chwalinska ng Poland sa Final eight match.