• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon IMBESTIGADaVe

Pakana ng mga ganid na magbababoy

Balita Online by Balita Online
February 21, 2021
in IMBESTIGADaVe
0
Itigil ang diskriminasyon sa gitna ng nCoV crisis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ni Dave M. Veridiano, E.E.

 HINDI totoo ang balita na ang karne ng baboy na may mababang presyo ay hindi nakararating sa Metro Manila, bagkus tsismis lang ito, at isang paninira ng mga ganid na pork dealer na namihasa sa malaking kita sa kanilang paninda kaya’t ayaw nang magbaba ng presyo kahit lumiit na ang demand matapos ang Kapaskuhan.

Ito ang mariing sagot ng Department of Agriculture (DA) sa nakarating sa kanilang mga reklamo – na umano’y walang nabibiling murang baboy para maibenta rin sa mababang presyo sa kanilang mga puwesto — ng ilang magbababoy sa mga merkado na kung tawagin nito ay “tertiary market” na mas kilala ng masa sa tawag na talipapa o maliliit na palengkeng pampubliko dito sa Kalakhang Maynila.

“Isang paninira o mga gawa-gawang kuwento lamang iyan ng mga negosyanteng magbababoy na namihasa na mataas palagi ang presyo ng karneng baboy na kanilang ibinebenta, magmula ng magkulang ang supply sa merkado, nang nangamatay ang mga nasa farm sa Luzon dahil sa ASF,” ani Assistant Secretary Noel Reyes, DA Public Information Officer (PIO), sa lingguhang news forum (online) na Balitaan Sa Maynila.

“Last week pa kami (DA) nagde-deliver ng hogs o baboy sa Metro Manila, sa mga major market kasama na rito ang Commonwealth, Muños, Balintawak, at Nepa-Q, ” ani Asec Reyes. “Mas mababa ang presyo rito dahil may subsidy na ang DA sa halaga nito.”

Ang ipinarating ng DA na mas murang karne ng baboy mula sa Mindanao at Visayas ay ang mga karne na naging surplus sa mga lugar na ito noong panahon ng Kapaskuhan.

At dahil bumaba na ang demand sa supply matapos ang mahabang holiday, bumaba na rin ang presyo nito sa Mindanao at Visayas kaya dito na kumuha ang ating pamahalaan para i-supply naman sa Luzon. Pero ang problema, dahil tila nasanay na sa “magandang presyo” ang mga hogs trader dito sa Luzon, lalo na sa Metro Manila – ayaw na ng mga itong sumunod sa itinakdang presyo ng DA.

“One time bigtime, kumita na sila ng malaki — namihasa sa mataas na presyo kaya ayaw na nilang ibaba ito. What we are saying is, nakinabang na sila, binabalanse natin ang pangangailangan ng nakararami pero ayaw nilang pumayag kaya ganito ang ipinakakalat nilang balita,” ani Asec Reyes.

Sa napabalitang gagawing pork holiday ng mga hogs trader ngayong araw (Monday) dito sa Metro Manila – wala namang makapipigil dito kaya ang payo ni Asec Reyes: “Pork holiday is a threat, pero pwede namang bumili sa ibang source. Punta na lang sa mga supermarket at siguradong mas mura sa kanila!”

Para mapunan umano ang kakulangan sa supply ng baboy, sasagutin na ng DA ang pagbiyahe mula sa mga probinsiya pa-Metro Manila.

Noong nakaraang linggo pinangunahan pa mismo ni Agriculture Secretary William Dar ang sendoff ng mahigit 100 baboy mula Socsargen region papuntang Metro Manila. May ugnayan na rin pati sa mga hog raiser mula Batangas at Iloilo.

Matatandaang nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price ceiling sa baboy at manok sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan. Sa ilalim ng Executive Order No. 124, may price cap na P270 ang kada kilo ng kasim and pigue, P300 ang kada kilo ng liempo, at P160 ang kada kilo ng manok. Pero agad na umangal dito ang ilang nagtitinda ng baboy at manok dahil sobrang lugi umano sila sa itinakdang price cap.

“Kami sa industriyang naghihingalo, pinatay na nila… kami ang pinarurusahan na kami ang dapat tulungan,” ani Nicanor Briones, Vice president ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc.

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]

Previous Post

Singilin din ni DU30 ang China

Next Post

Valentino Rossi: Maverick Vinales can fight for title with Yamaha

Next Post

Valentino Rossi: Maverick Vinales can fight for title with Yamaha

Broom Broom Balita

  • Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden
  • Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

Julia Barretto, tagasalo ni Bea Alonzo sa naunsyaming pelikula nila ni Alden

June 3, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Masbate, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

June 3, 2023
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.