BITIN din ang pagluklok ng isa sa pinakamatinding grupo sa basketball Hall-of-Fame.
Ipinahayag ni Naismith Basketball Hall of Fame chairman Jerry Colangelo nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) na iniurong ang nakatakdang Hall-of-Fame ceremony na tatampukan ninaTim Duncan, Kevin Garnett, Tamika Catchings at namayapang si Kobe Bryant sa susunod na taon bunsod ng coronavirus pandemic.
Nakatakda sana ang enshrinement ceremony sa Aug. 28-30 bago iniurong sa Oct. 10-12. Subalit, iginiit ni Colangelo na hindi pa ligtas ang sitwasyon higit at mahigit 100,000 libo na ang namamatay sa Amerika bunsod ng COVID-19.
Napagdesisyunan ng Hall’s board of governors na isagawa na ito sa Hunyo 10 sa susunod na taon.
“We’re definitely canceling,” pahayag ni Colangelo sa panayam ng ESPN. “It’s going to have to be the first quarter of next year. We’ll meet in a couple of weeks and look at the options of how and when and where.”
Bukod kina Bryant, kasama rin sa class 2020 sina Eddie Sutton, Rudy Tomjanovich, Kim Mulkey, Barbara Stevens at dating FIBA Secretary General Patrick Baumann.
Naantala rin ang Baseball Hall of Fame na nakatakda sa Hulyo 24-27. Iniurong na rin ito sa susunod nation. Kabilang sa 2020 class sina Derek Jeter, Larry Walker Ted Simmons at Marvin Miller.