• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Walang sports activities sa 2020 — PSC

Balita Online by Balita Online
April 29, 2020
in Balita, Sports, Uncategorized
0
Team Philippines, handa sa giyera sa SEA Games

NAGKAKAISA ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission, sa pangunguna ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez, kasama ang mga kaalyado sa Philippine Olympic Committee, PHISGOC at sports icon sa pagbibigya ng suporta sa atletanbg Pinoy, habang maituturing world-class ang bagong ayos na Rizal Memorial Coliseum para sa 30th Southeast Asian Games. (PSC PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

ANG paghihigpit ng sinturon sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa bunsod ng Coronavirus ang siyang isinaalang-alng ng pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagkasundo ang PSC Board sa pangunguna ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na kanselahin na hanggang sa Disyembre ang mga multi-sports events na dapat sana ay nakatakda pagkatapos ng kasalukuyang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

psc

Ang desisyon ay pagsunod na rin sa ipinapatupad ng  Department of Budget Management (DBM) sa mga proyekto na pansamantalang mahihinto o ang National Budget Circular 580 at ang Inter-agency Task Force (IATF) nagsasaad na pagbabawal sa anumang aktibidades pagkalipas ng nasabing ECQ.

Dahil dito, maging ang suportang pinansyal para sa 10th ASEAN Paragames ay napagdesisyunan na hindi na ipagpatuloy, bagama’t handa pa rin sila na tustusan ang mga naunang operasyon ng organizing committee ng nasabing torneo.

Ngunit, sa kabila nito ay siniguro naman ni Ramirez na patuloy ang buong suporta ng komisyon para sa lahat ng miyembro ng national team.

“We heed the call of the national government to cut expenses as we reroute majority of our resources to fighting the pandemic, but we also stand by our commitment to keep supporting members of the national team,” pahayag ni Ramirez.

Ipinahayag din ni Ramirez na mananatili ang naunang ipinatupad na alituntunin hinggil sa pagpapalabas ng mga allowance para sa national athletes at mga coaches.

Kasabay nito, muli siyang nagpasalamat sa PAGCOR  para sa kanilang suporta sa naturang ahensiya sa kabila malaking bahagi ng kita nito ay apektado dahil sa lockdown.

“We continue to study projections and proposals and the board is ready to take necessary actions should they be needed,” ayon pa kay Ramirez.

Kasama sa nasabing on-line meeting sina  commissioner Celia Kiram, Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Charles Maxey kasama sina   Executive Director Merly Ibay, Deputy Executive Directors Dennis Rivera at Atty. Guillermo Iroy,  gayundin si Chief of Staff Marc Velasco. ANNIE ABAD

 

Tags: psc
Previous Post

Bayanihan sa boxing community, ikinalugod ni Mitra

Next Post

POGO re-opening, dagdag pondo laban sa Covid-19

Next Post
PAGCOR, tuloy ang ayuda sa PSC

POGO re-opening, dagdag pondo laban sa Covid-19

Broom Broom Balita

  • P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga
  • Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista
  • Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino
  • Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022
  • Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”
P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

P3.5-M halaga ng ketamine, nasamsam sa isang Taiwanese national sa Pampanga

May 17, 2022
Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

Matapos ang higit 2 taon, Batanes magbubukas na para sa mga turista

May 17, 2022
Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

Prof. Clarita Carlos, hangad ang paggaling ni Kris Aquino

May 17, 2022
Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

Comelec, pinangalanan na ang 12 senador na nanalo sa halalan 2022

May 17, 2022
Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

Skusta Clee sa lagay ng puso: “Ok naman… Ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-iistay sa isang lugar”

May 17, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: 7 NCR LGUs, walang naitalang bagong COVID-19 cases

May 17, 2022
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.