• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Blind Item

Baguhang aktor, uma-attitude na

Balita Online by Balita Online
March 6, 2020
in Blind Item, Showbiz atbp.
0
Banong aktor, nagkaka-project dahil  malakas sa management ang manager
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

SUMUSUMPA ang mga nakausap naming taga-production na ikinuwento na rin sa ibang kakilalang producer ang ugali ng baguhang aktor dahil sobrang mag-attitude.

“Akala mo kagaling-galing, e, wala naman acting, kaya lang napasama sa project kasi ni-request ng kakilalang artista at napapayag naman ang producer kasi nga maingay ang pangalan dahil napasama kay (aktor),” ito ang iritableng kuwento ng bossing ng production.

Nu’ng mga unang linggo ng shooting ng project ay masunurin pa si baguhang aktor kaya’t puring-puri siya ng lahat at sana hindi magbago kasi maayos makisama, pero simula raw nu’ng mapasama sa aktor ay nabago ang ugali na biglang 360 degrees na.

“Dati, laging maaga sa set, puring-puri nga ni direk, aba’y katagalan, late na? At hindi pa ayos ang mga gamit? Pinagdadala ng extrang damit at lahat naman required kahit mga bida na may pangalan.

“Alam mo ang katwiran niya (baguhang aktor), bakit daw nya kailangang magdala ng damit, e may stylist naman. Totoo naman talaga, pero iyon ay extra in case na hindi bumagay ang damit or something. Alam mo ‘yun?

“Kung sina (mga bidang artista) nga nagdala at automatic na sa kanila ‘yun, siya na kabagu-bago, may attitude kaagad? Hello, sino siya? May napatunayan na ba siya? E, sarili nga niyang pangalan hirap siyang i-pronounce!” dire-diretsong kuwento pa.

Oo nga, bakit nga ba nagkaganu’n na si baguhang aktor? Anyare? Pangarap niyang mag-artista dahil gusto niyang tulungan ang pamilya niya at para sa sarili na rin, e, bakit hindi niya pinagbubuti ang trabaho niya? Uma-attitude kaagad sa mga taga-produksyon?

Tama naman din ang kuwento sa amin, wala nga kaming nakitang acting, hindi rin siya kaguwapuhan para dagsain ng offers at hindi rin kagandahan ang audio para puwedeng puro voice over na lang sana niya kahit hindi na siya ipakita sa camera kasi nga hindi marunong umarte. E, pag ganyan boy, bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo kung saan ka man nanggaling baka doon ka mas babagay.

Galit kami sa mga pasaway na artista dahil maraming pelikula na nga ang hindi kumikita ngayon at kawawa rin ang mga taga-produksyon at producers na sumusugal sa pelikula tapos may mga ganitong klaseng tao na hindi marunong makisama?

Pasalamat ang baguhang aktor na ito at hindi sina Direk Cathy Garcia-Molina, Rory Quintos, Joel Lamangan, Sigrid Andrea Bernardo, Joyce Bernal, Antoinette Jadaone at Olive ‘Inang’ Lamasan ang naka-trabaho niya or else baka natulala siya sa mga maririnig niyang komento.

-Reggee Bonoan

Previous Post

James at Nadine, kayo ba ulit?

Next Post

Sunshine, dumayo sa Holy Land

Next Post
Sunshine, dumayo sa Holy Land

Sunshine, dumayo sa Holy Land

Broom Broom Balita

  • Nicole Borromeo, ready nang sumabak sa Miss International 2023
  • Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon
  • Lolit puring-puri si Jillian Ward
  • F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na
  • Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo
Pulisya, pinaghahanap ang 16-anyos na lalaki na sumaksak sa 2 menor de edad sa Tondo

Bebot tinaga ang kainumang lalaki sa Quezon

September 30, 2023
Lolit puring-puri si Jillian Ward

Lolit puring-puri si Jillian Ward

September 30, 2023
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong master plumbers, kasado na

September 30, 2023
Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

Higit ₱10M shabu, huli sa Iloilo

September 30, 2023
Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

Sali rin sa military drills: Canadian Navy vessel, dumating sa Pilipinas

September 30, 2023
‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

‘Jenny’ bumagal habang kumikilos pa-northwest sa PH Sea

September 30, 2023
Ivana Alawi, minura ng netizen

Ivana Alawi, minura ng netizen

September 30, 2023
Olympian Carlo Paalam, pasok na sa quarterfinals

Olympian Carlo Paalam, pasok na sa quarterfinals

September 30, 2023
Rep. Roman, nag-react sa nagsabing kamukha niya si Heart

Rep. Roman, nag-react sa nagsabing kamukha niya si Heart

September 30, 2023
Sombrero galaxy, ipinasilip ng NASA

Sombrero galaxy, ipinasilip ng NASA

September 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.