HINDI naging hadlang ang iniindang injury ni King Tiger Mark Yee upang sandigan ang Davao Cocolife Tigers sa 64-56 panalo sa overtime laban sa Bicol Volcanoes sa sudden death ng kanilang quarterfinals playoff sa South Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakailan sa Rizal Memorial College Gym sa Davao City.
Bagama’t nalimitahan sa apat na puntos, ang liderato at walang takot na dive sa bola at sa rebounds sa extra period ang naging bentahe ng Cocolife tungo sa makapigil-hiningang panalo.
Bunsod nito, umusad ang Mindanao-based squad ni Dumper Party List Rep.Claudine Bautista ng Davao Occidental, sa pakikipagtulungan nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.
Haharapin ng Davao Tigers ang Zamboanga sa semifinals match-up. Nasilat ng Zamboangenos ang liyamadong Batangas-Tanduay Athletics sa hiwalay na Southern Conference quarterfinal playoffs.
“Mark (Yee) who sustained a partial ACL just five days ago, fought his heart out to help the team.Hinugot niya ang lahat ng lakas,dumamba sa loose balls at pumuntos upang ‘di umuwing luhaan ang lahat ng Tigers’ fans na dumagsa sa venue at tumutok sa television sa buong bansa,” pahayag ni team manager Dinko Bautista kaagapay si deputy Ray Alao.