• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Philippine B.E.S.T swimmers, nanggulat sa Tokyo tilt

Balita Online by Balita Online
February 4, 2020
in Balita, Sports, Uncategorized
0
Philippine B.E.S.T swimmers, nanggulat sa Tokyo tilt

IBINIDA ng mga batang swimmers mula sa Behrouz Elite Swimming Team ang mga medalya at sertipiko matapos kumasa sa hamon ng mga karibal sa 2020 Tokyo Swimming Winter Championship nitong weekend sa Setagaya. Kasama rin sa koponan sina delegation head Marilet Basa (dulong kaliwa) at coach Rossbenor Antay at Johnson Maulion.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

WALASTIK!

Ni Edwin Rollon

TUNAY na may paglalagyan ang batang Pinoy sa international competition kung may matibay na suporta at pagkakaisa sa swimming community.

MASAYANG nagpajuha ng photo souvenir si Filipino-Japanese Community in Tokyo head Myles Briones-Beltran kay Michelle Toni Murphy, double silver medalist  ( 9-10 100 Breast- Silver, 9-10 50 Breast – Silver) sa Tokyo Winter Swimming Championship sa St. Mary's International School.
MASAYANG nagpakuha ng photo souvenir si Filipino-Japanese Community in Tokyo head Myles Briones-Beltran kay Michelle Toni Murphy, double silver medalist ( 9-10 100 Breast- Silver, 9-10 50 Breast – Silver) sa Tokyo Winter Swimming Championship sa St. Mary’s International School.

Impresibo ang kampanya ng Philippine B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) junior squad sa napagwagihang 18 medalya, tampok ang walong ginto sa  2020 Tokyo Swimming Winter Championships nitong weekend sa St. Mary’s International School sa Setagaya, Tokyo, Japan.

Pinangunahan ni Cambodia-based Enkhmend Enkmend ang ratsada ng batang Pinoy sa napagwagihang tatlong ginto, habang kumana ng dalawa si Brendan Viñas at may tig-isang gintong medalya sina JahZeel Rosario, Dawn Martina Camacho at Ashley Anne Alvarez sa torneo na nilahukan ng may 15 club at school team.

Nanguna ang 10-anyos na si Enkhmend sa boys 9-10 class 100m Breaststroke sa tyempong isang minuto at 33.75 segundo laban kina Japanese Kenjiro Koya (1:39.34) at Sho Sendai (1:41.49).

Hataw din ang Grade 6 student ng Panyathip International School Cambodia sa 200-m Individual Medley (3:05.88) kontra Kenjiro Koya (3:10.41) at Zen Twohig (3:16.70), gayundin sa 50-m breaststroke para kompletuhin ang three-meet duel sweep kay Koya. Bunsod nito, tinanghal siyang Most Outstanding Swimmer sa boys 9-10 category.

Hataw naman si Viñas sa boys 11-12 class 100-meter Fly at 50-meter Fly bukod sa bronze medal sa 100-m Breast, habang nakopo ni Rosario, Grade 8 student sa Bristol Integrated School ang ginto sa 100-m Breaststroke boys 13-14 class (1:17.14) kontra sa kambal niyang si Jah-Leel (1:26.60) at  American Gray West (1:21.93).

Humirit si Camacho sa girls 11-12 100 Fly at nakakuha ng silver medal sa 50 Fly event, habang nanguna si Alvarez sa girls 12-13 class 200 Fly.

“It’s a huge effort on the part of our young swimmers with the strict guidance of coach Rossbenor Antay and Johnson Maulion as well as delegation head Marilet Basa. We are so very proud.’ Yun target namin talaga eh! makakuha sila ng experience, masyado pong ginalingan ang naguwi pa kami ng medalya,” pabirong pahayag ni team manager Joan Mojdeh.

Ang Philippine B.E.S.T Team ay affiliated sa Philippine Swimming Inc. (PSI) at suportado ng Behrouz Persian Cuisine, sa pakikipagtulungan ng Filipino-Japanese Community sa Tokyo na pinamumunuan ni Myles Briones-Beltran at Mama Aki Marilyn Mabansag Yokokoj ng Ihawan Shinjuku.

Ang ibang pang nagmedalya ay sina Iris justine Salagubang ( 13-14, 200-m Silver), Girls 11-12 200 Medley Relay- Silver (Ashley Alvarez, Stephanie Elumbaring, Martina Camacho, Faith Manalo), Michelle Toni Murphy ( 9-10 100 Breast- Silver, 9-10 50 Breast – Silver), Faith Manalo (11-12 100 Back – Silver, 11-12 50 Back – Bronze).

Tags: Behrouzswimming
Previous Post

Netizens kay Sharon: ‘Wag idaan sa socmed ang problema

Next Post

Lovi, puring-puri ng mga katrabaho

Next Post
Lovi, puring-puri ng mga katrabaho

Lovi, puring-puri ng mga katrabaho

Broom Broom Balita

  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
  • Lumubog na MT Princess Empress, natagpuan na!
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.