• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Boxing

Casimero vs Inoue, malapit nang maluto

Balita Online by Balita Online
January 3, 2020
in Boxing
0
Casimero vs Inoue, malapit nang maluto

NAPASIGAW sa kasiyahan si Johnriel Casimero nang itigil ng referee ang laban para makumpleto ang third round TKO win kontra kay Zolani Tete at angkinin ang WBO bantamweight title.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

POSIBLENG maganap ngayong taon ang inaabangang ‘unification fight’ sa pagitan nina World Boxing Organization (WBO) bantamweight titleholder Filipino Johnriel Casimero at Japanese International Boxing Federation at World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Naoya Inoue.

NAPASIGAW sa kasiyahan si Johnriel Casimero nang itigil ng referee ang laban para makumpleto ang third round TKO win kontra kay Zolani Tete at angkinin ang WBO bantamweight title.
NAPASIGAW sa kasiyahan si Johnriel Casimero nang itigil ng referee ang laban para makumpleto ang third round TKO win kontra kay Zolani Tete at angkinin ang WBO bantamweight title.

Sa panayam na nailathala sa boxingscene.com, sinabi ni TOP Rank Promotions chief Bob Arum na nagsimula na ang negosasyon sa magkabilang kampo at inasahang magkakaroon ng kalinawan ang usapin ngayong buwan.

Mismong si Casimero ang nagpahayag na gusto nitong makaharap si Inoue, tumalo kay Filipino-American Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa finals ng World Series of Boxing sa nakalipas na taon. Ang natyrang laban ay kandidato para sa ‘Fight of the Year’ ng boxing bodies.

Kabilang din si World Boxing Council bantamweight titlist Nordine Oubaali ng France sa nakalinyang humamon kina Inoue at Casimero.

Ngunit, nauna na ang desisyon ng WBC kay Oubaali na ipagtanggol ang kanyang titulo laban sa mandatory challenger na si Donaire.

May ilang araw pa ang grupo nina Donaire at Oubaali para tumugon sa utos ng WBC dahil hanggang Enero 15 ang deadline na ibinigay ng world boxing body.

Impresibo ang rekord ni Casimero na galing sa limang sunud-sunod na knockout wins na nagsimula noong 2018 nang pataubin nito si Jose Pech ng Mexico via second-round knockout victory sa Tijuana, Mexico.

Tinuldukan ni Casimero ang kampanya nito noong nakaraang taon sa dominanteng third round technical knockout win kay dating WBO champion Zolani Tete ng South Africa noong Nobyembre 30 sa London, England.

Tags: Johnriel Casimero
Previous Post

Santos, balik SMB na?

Next Post

PVL pre-season tourney sa Abril

Next Post
Volleyball | Pixabay default

PVL pre-season tourney sa Abril

Broom Broom Balita

  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.