• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports

Iza at Joem, ‘matindi’ ang chemistry

Balita Online by Balita Online
December 24, 2019
in Sports
0
Iza at Joem, ‘matindi’ ang chemistry
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

MASAYA sina Iza Calzado at Joem Bascon sa mga positibong komento ng mga nakapanood ng pelikulang Culion sa ginanap na Black Carpet Event nitong Sabado, Disyembre 21 sa SM Megamall Cinema 4.

IZA N JOEM

Bilang si Anna sa pelikula ay nangangarap na makaalis sa isla para ipagpatuloy ang normal nitong buhay pero hindi niya magawa dahil sa sakit niyang ketong.

Kasintahan ni Iza si Joem sa papel na ‘Kanor’ na noong una ay hindi seryoso ang dalaga dahil nga sagabal ang binata sa mga balak niya pero nang magkaanak sila at inilayo sa kanila para hindi mahawa ng sakit ay saka nito napagtantong mahal niya ang katipan at gustong magkaroon ulit sila ng anak.

Binanggit namin na may chemistry sina Iza at Joem at sana may follow-up ang muli nilang pagtatambal.

“Pangalawang beses ka nang nagsabi niyan,”nakangiting sabi ng aktres.

Say naman ng aktor, “were very happy na heartfelt ‘yung movie. Vision namin na maibigay namin ang mensahe sa lahat and very honored to be part of this movie, it’s a great film.”

“It’s a meaningful film and maganda rin na nandito si Dr. Cunanan (Arturo) head ng Culion Museum and Archives, siyempre importante sa amin ang reaksyon ng tao, sabi nila nagustuhan po nila at malaking bagay nap o sa amin,”sabi ni Iza.

Dagdag pa, “kayo po ang tanungin namin, nagustuhan n’yo ba (pelikula).”

Sinagot namin ng, ‘Sobrang haba po, hindi nap o ba puputulan?’

“Oo, eh, mahaba talaga. Yes the movie is heavy and the movie maybe long and I think the message is clear and quite hopeful for the holiday season,”sambit ng aktres.

Nagpapasalamat si Iza sa magandang exposure ng buong cast lalo na sa kanilang tatlo nin Jasmin Curtis Smith at Meryll Soriano dahil pantay lahat.

“Walang naiwan, nagpaiwan at walang umiwan kaya nagpapasalamat ako, ang ganda,”sabi pa.

Tinanong namin muli si Iza kung ano ang mas pipiliin niya, award o box office, “both! Why choose when you can have both, ha, ha. Basta po mapasali lang sa MMFF malaking bagay na, Iyon nap o ang award namin, pero siyempre kumita rin kami.”

Samantala, ang love scene pala nina Iza at Joem ang unang scene na ginawa nila sa Culion dahil unang araw ay bumabagyo kaya maraming hindi nakarating na cast kaya para hindi masayang ang araw nila ay ito na ang kinunan.

“Ito ang unang scene na puwedeng i-shoot doon, mabuti na lang nagka-trabaho na kami dati. Sabi ko nga, first day talaga (love scene),” sambit ng aktres.

Say naman ni Joem, “oo nga, I’m very happy na nagkasama na kami ni Iza at nagka-trabaho na kami, e, napakagaling niya kaya madadala ka na lang sa kanya.”

Nagselos ba ang hubby ni Iza na si Ben Wintle, “hindi.”

Sabay biro kay Joem, “may nagselos din ba sa ‘yo, char, ha, ha, ha.”

Hirit namin, “kayo pa ba that time (Crisha Uy) Joem?”

Hindi na halos makapagsalita ang aktor at panay ang punas ng pawis sa noo.

Idinaan na lang ni Iza sa biro, “kami po talaga, malinaw naman talaga na kami as Anna at Kanor. Naghiwalay ng aba kayo (sabay tanong kay Joem).

Anyway, humihiling ang dalawa n asana panoorin ang Culion simula ngayong araw, Disyembre 25 sa lahat ng sinehan na idinirek ni Alvin Yapan.

-REGGEE BONOAN

Tags: iza calzadoJoem Bascon
Previous Post

Sa wakas, Pasko na

Next Post

May captive market ang ‘Miracle In Cell No. 7’

Next Post
May captive market ang ‘Miracle In Cell No. 7’

May captive market ang 'Miracle In Cell No. 7'

Broom Broom Balita

  • 3 weather systems, magpapaulan sa ilang bahagi ng PH – PAGASA
  • ‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon
  • ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama
  • Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’
  • Uge, pinayuhan si Pokwang sa pakikipagrelasyon, pag-aasawa
Auto Draft

3 weather systems, magpapaulan sa ilang bahagi ng PH – PAGASA

December 3, 2023
‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

‘Chapter closed:’ Ang KathNiel sa loob ng 11 taon

December 3, 2023
ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama

ABS-CBN CSID 2023, inilunsad na; KathNiel, ‘di magkasama

December 3, 2023
Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’

Bea Borres sa umuurirat na netizens: ‘Wala kayong makukuha sa akin’

December 3, 2023
Uge, pinayuhan si Pokwang sa pakikipagrelasyon, pag-aasawa

Uge, pinayuhan si Pokwang sa pakikipagrelasyon, pag-aasawa

December 3, 2023
Pag-guest ni Rochelle Pangilinan sa Eat Bulaga, umani ng reaksiyon

Pag-guest ni Rochelle Pangilinan sa Eat Bulaga, umani ng reaksiyon

December 3, 2023
Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

December 3, 2023
Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

December 2, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

December 2, 2023
Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.