• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon SENTIDO KOMUN

Karayom sa bunton ng mga dayami

Balita Online by Balita Online
November 26, 2019
in SENTIDO KOMUN
0
Karayom sa bunton ng mga dayami
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

HINDI dapat ipagtaka ang mistulang pagpapa-umat-umat ni Pangulong Duterte sa pagtatalaga ng bagong Director General ng Philippine National Police (PNP). Nais lamang niya marahil na maging doble-ingat sa pagpili ng chief cop, lalo na nga kung isasaalang-alang na ang naturang organisasyon ng mga alagad ng batas ay manaka-nakang nakukulapulan ng mga alingasngas at hindi kanais-nais na mga gawain.

Mismong si Senador Bong Go, dating Presidential aide, ang tandisang nagpahayag na wala pang napipili ang Pangulo; patuloy pa siyang naghahanap ng honest o matapat na PNP chief. Ibig sabihin, pumipili ang Pangulo ng isang hepe na ang pagkatao ay walang bahid ng pag-aalinlangan; na ang paglilingkod ay laging nakatuon sa tunay na misyon ng pulisya — To Serve and Protect. Humahanap siya ng honest man, kahit na mababa ang rango nito.

Matalinghaga ang pahayag ni Senador Go kaugnay ng pagkilatis ng Pangulo sa nais niyang PNP chief: “Parati niya (Presidente) ikinukuwento na may tao na kahit may araw, naghahanap ng lampara … kasi, hirap pala siyang humanap ng honest man.” Nangangahulugan ba na hindi makita ng Pangulo ang kanyang hinahanap sa hanay ng kasalukuyang mga contenders bilang PNP Chief?

Totoo na karapatan ng Pangulo ang paghirang ng pinakamataas na hepe ng mga pullis at ng iba pang security agency na tulad ng Armed Forces of the Philippines ( AFP) at iba pa. Kahit na ang kanyang napipisil ay low-ranking officials. Magugunita na sina Senador Ronald dela Rosa ay one-star rank nang siya ay itinalaga bilang PNP chief, samantalang si General Oscar Albayalde ay two-star rank.

May katwiran ang Pangulo na maging maingat sa paghirang ng mamumuno sa halos 200,000 police force, lalo na nga at hanggang ngayon ay kabi-kabila pa rin ang mga alegasyon hinggil sa pagkakadawit ng ilang opisyal sa mga katiwalian; kasabuwat sa masalimuot na bidding transactions, pangingikil at illegal drugs, bukod pa rito ang pagkakasangkot ng ilan sa iba’t ibang criminal cases — mga bagay na nakasira sa imahe ng pambansang pulisya. Sa kabila ito ng katotohanan na walang patumangga ang cleansing process ng nasabing ahensiya.

Sa harap ng gayong mga situwasyon, makita kaya ng Pangulo ang kanyang hinahanap na honest man na karapat-dapat iluklok bilang bagong PNP chief? Hindi kaya ang paghahanap sa huwarang police officer ay katulad ng paghahanap ng karayom sa bunton ng mga dayami, wika nga?

-Celo Lagmay

Previous Post

Tunay na reporma sa lupa, hindi importasyon ang remedyo

Next Post

Kathryn, tumiwalag na sa INC?

Next Post
Kathryn, tumiwalag na sa INC?

Kathryn, tumiwalag na sa INC?

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.