• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Coleen Garcia, mala- Anastasia Steele sa ‘Mia’

Balita Online by Balita Online
November 26, 2019
in Showbiz atbp.
0
Coleen Garcia, mala- Anastasia Steele sa ‘Mia’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAKASALUBONG namin ang dating manager ng grupong JBK na nagpasikat ng kantang Anestisya na si Chris Cahilig sa Robinsons’ Magnolia nitong Lunes nang gabi at nagka-kumustahan.

Coleen

Binanggit namin kung bakit niya binitiwan ang pagma-manage ng JBK na ngayon ay sikat na at napangiti sa amin si Chris.

“Masaya ako for them kasi at least ‘yung pagod nila may napuntahan na, alam naman nila kung ano ang ginawa ko sa kania. Actually okay kami, friends’ kami, lagi silang nagte-text sa akin, nagpapasalamat at nagkukuwento kung anong bago sa kanila. Lagi nilang pinasasalamatan na part ako kung nasaan man sila ngayon,” masayang kuwento ng dating manager nina Joshua Bulot, Bryan Del Rosario, at Kim Lawrenz Ordonio o mas kilala bilang JBK.

Walang panghihinayang sa parte ni Chris dahil nabago na ang linya niya, “I’m into directing and producing ng movie kaya hindi ko na rin sila maasikaso if ever.”

Ipinagmamalaki ngayon ni Chris ang bago niyang pelikula na sina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman ang bida na may titulong Mia na nakatakdang mapanood sa Enero 15, 2020 mula sa direksyon ni Veronica ‘Ronnie’ Velasco at release ng Viva Films.

“You should watch the movie ang galing nina Coleen and EA (tawag kay Edgar Allan), bagay sila ang ganda ng chemistry.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila kasi napaka-professional nila especially Coleen na akala ko mahirap ka-work kasi siyempre ‘di ba, hindi pala, sobrang bait as in. Hindi lang siya talaga ma-chika, lagi lang siyang nagbabasa ng script,” kuwento ni Chris.

Nabanggit din ni Chris na saka na siya magpapa-presscon dahil pauunahin muna niya ang mga pelikulang ipalalabas sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Too early pa naman saka umaandar naman na ang promo ko sa social media at ang lakas, (sabay pakita sa amin na mayroon ng 4M views sa trailer). Tapos may 20 buses ako na nanandoon ang poster ng movie, so okay na muna ako ro’n. Malakas ang buses kasi ‘di ba sa EDSA ang daan so nakikita mo ang posters, aware ang tao sa movie,”

kuwento pa ni Chris.

Pinanood namin ang trailer ng Mia at oo nga may chemistry sina Coleen at EA at ang ganda-ganda ni Mrs. Crawford sa pelikula, para siyang si Dakota Johnson o Anastasia Steele ng 50 Shades of Grey. Hmm, ito ba ng naging peg ng aktres?

Anyway, na-enjoy ni Chris ang pagpo-produce kaya dito siya concentrated ngayon bukod sa pagdi-direk ng short films.

-Reggee Bonoan

Tags: Coleen Garcia
Previous Post

Maine Mendoza, ballerina rin

Next Post

Thea Tolentino, time out muna sa pananampal

Next Post
Thea Tolentino, time out muna sa pananampal

Thea Tolentino, time out muna sa pananampal

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.