• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Volleyball

Creamline, nagbunyi sa PVL Season

Balita Online by Balita Online
November 10, 2019
in Volleyball
0
Volleyball | Pixabay default
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

UMUKIT ng panibagong pahina sa kasaysayan ang koponan ng Creamline na mapanatili ang korona sa katatapos na Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference matapos ganap na walisin ang finals series kontra PetroGazz nitong Sabado sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Makasaysayan ang nasabing panalo dahil naitala sa impresibong 20-game sweep at nagluklok sa kanila bilang back-to-back champions ng season ending conference bukod sa pagiging most winningest squad sa liga may tatlong titulo.

Gayunman, hindi naging madali ang lahat upang makamit ang tagumpay ng Cool Smashers.

Bukod sa sakripisyo, hirap at pagod sa ensayo, marami din silang pinagdaanang matitinding hamon bago nakamit ang kampeonato.

Kabilang na rito ang pagka injured ng ilan nilang key players at ang mga pagkakataong hindi sila makumpleto sa ensayo lalo na sa laro.

“There were a few people who said na, ‘Masyadong madali na na-sweep ‘yung season.’ But there were a lot of stories behind the scene,” ayon sa Finals MVP at Best Setter sa ikalimang sunod na pagkakataon na si Jia Morado.

“Actually, napakahirap ng pagkuha ng panalo namin,” pahayag naman ni team captain Alyssa Valdez. “But I believe we had so many struggles and challenges this conference, that’s why we pulled through.”

Ngunit ang mga pinagdaanang pagsubok ang lalong nagpatatag sa Cool Smashers.

Sa mga dinaanan ding hamon, nagkaroon ng pagkakataon ang iba pang miyembro ng koponan na makatulong at makapagbahagi ng kanilang kakayahan na syang nakatulong upang mas lumakas at lumalim ang team.

-Marivic Awitan

Tags: Premier Volleyball League
Previous Post

Ollero, wagi sa ’69 Hits Gold

Next Post

NU spikers, lumapit sa UAAP volley title

Next Post
Creamline, nagbunyi sa PVL Season

NU spikers, lumapit sa UAAP volley title

Broom Broom Balita

  • Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado
  • Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol
  • Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol
  • Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’
  • 1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora
Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

Top 1 ng PNLE napaluha sa resulta; higit 8,000 nursing flashcards, kinabisado

December 5, 2023
Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

December 5, 2023
Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

December 5, 2023
Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

December 5, 2023
1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

December 5, 2023
Chel Diokno sa Bar passers: ‘Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya’

Chel Diokno sa Bar passers: ‘Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya’

December 5, 2023
Valentine sa bashers ni Andrea: ‘Kasalanan ba maging maganda?’

Valentine sa bashers ni Andrea: ‘Kasalanan ba maging maganda?’

December 5, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros sa Bar passers: ‘Your degree is a signal of hope for many Filipinos’

December 5, 2023
Elijah Canlas nahulog kina Andrea Brillantes, Daniela Stranner?

Elijah Canlas nahulog kina Andrea Brillantes, Daniela Stranner?

December 5, 2023
Pamu Pamorada, dinepensahan si ‘Sofia’

Pamu Pamorada, dinepensahan si ‘Sofia’

December 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.