• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Kampanya para sa preserbasyon ng sining at kultura

Balita Online by Balita Online
October 17, 2019
in Opinyon
0
7 Pinoy, missing sa Brunei
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NANAWAGAN si Education Secretary Leonor Briones sa mga guro na balansehin ang pagtuturo ng teknolohiya at preserbasyon ng sining at kultura.

Ito ang naging panawagan ni Briones sa idinaos na unang “Education Advocacy in Safeguarding Culture and Heritage” nitong Lunes sa KB Gymnasium, Capitol Compound, Malolos City, Bulacan.

Pinakiusapan rin niya ang mga guro na huwag hayaang makapag-ambag ang digital technology sa pagkawala ng kultural na kaugalian at mga tradisyon sa mga mag-aaral.

“Hindi lamang sa kasuotan naipapakita ang kultura, kung hindi sa laman ng ating puso. Iyon ang mahalaga, na huwag nating kalimutan sa panahong ito,”aniya.

“Hindi tayo robot, hindi tayo cyborg, hindi tayo mga machines, kung hindi tayo ay humans. Bilang tao, tayo ay may kasaysayan, may kultura, may sariling pag-iisip,” ani pa ng kalihim.

Binigyang-diin ni Briones na maaaring magamit ang sining at kultura para sa pagtuturo ng matematika at agham.

“One of our Metrobank awardees who is an IP was able to devise a way in teaching mathematical principles using songs and dance. In Region 7, we have this contest, where mathematics is being taught through poems and songs,” paliwanag pa ni Briones.

Nabanggit din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masayang pag-aaral sa kultura at sining.

“The style in education now is learning is fun, learning is enjoyable. Nakikita ko ang mga bata ngayon na gumagawa ng robot, gumagawa ng mga computer games themselves. Dito makikita natin na enjoy na enjoy sila sa pag-aaral. Makikita natin na hindi na sila natatakot sa trigonometry, sa chemistry, o sa geometry,”aniya.

Saad pa ni Briones, mahalaga ang tungkulin ng sining at kultura bilang paraan upang matulungan ang mga kabataan, partikular ang mga dumaranas ng sakit sa pag-iisip o mental health illness, upang maipahayag nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng sining.

“Sa mga bata na nahihirapan sa mundo, na hindi maka-adjust sa mundo, they turn to painting, to music, to sculpture. This is where art also plays an important role. Not only for the learners but also for the teachers, because I know that the life of a teacher is also very difficult,”paliwanag pa ni Briones.

Samantala, naniniwala naman si DepEd OIC-Regional Director Nicolas Capulong, na ang identidad ng isang bayan o probinsiya ay makikita sa kasaysayan, sining at kultura.

“Ang pagkakakilanlan ng ating bayan ay marapat lamang na bantayan, pagyamanin, ipagmalaki, at higit sa lahat ay ating palaganapin upang ang salinlahi ay higit na maunawaan ang pagkakakilanlan ng lahing Pilipino, ang lahing Gitnang Luzon,” ani Capulong.

Sa suporta ng probinsiyal na pamahalaan ng Bulacan at DepEd Schools Division Office, isinagawa ang aktibidad upang maisulong ang nasyonalismo at pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagprotekta sa minanang kultura.

PNA

Previous Post

Balik bagito sina Tautuaa at Standhandinger

Next Post

Derek at Andrea, ‘lantaran’ na

Next Post
Derek at Andrea, ‘lantaran’ na

Derek at Andrea, 'lantaran' na

Broom Broom Balita

  • CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel
  • Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA
  • Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh
  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
CBCP, naglabas ng bagong bersiyon ng Oratio Imperata laban sa COVID-19

CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel

June 6, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA

June 6, 2023
Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

June 6, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.