• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Klea Pineda ‘di tomboy

Balita Online by Balita Online
October 8, 2019
in Showbiz atbp.
0
Klea Pineda ‘di tomboy
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NAPAKA-SEXY ang 5’9 Ultimate Female Survivor ng StarStruck 6 na si Klea Pineda nang dumating sa pocket interview nila ni Jeric Gonzales para sa bago nilang pagti-team up sa Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime drama series. Kaya natawa siya nang ang unang tanong sa kanya ay totoo bang tomboy siya?

“Marami nga pong nam-bash sa akin nang makita raw nila akong nag-join sa Gay Pride March sa Marikina City na may kasama akong tomboy,” kuwento ni Klea. “Nakakatawa po kasi hindi naman ako lamang ang mga artistang sumali roon. Hindi ko na lamang pinansin dahil wala namang katotohanan ang bintang nila sa akin, isa pa nag-enjoy kami ng mga kaibigan kong nag-join sa Gay Pride March.”

Unang nagtambal sina Klea at Jeric last year sa Ika-5 Utos kaya masaya sila na muli silang binigyan ng GMA ng bagong project na more mature na ang characters na gagampanan nila. Hindi pa nagdetalye ang dalawa kung anu-ano ang roles na gagampanan nila, maliban sa mag-asawa sila sa story at makakasama nila sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, sa direksyon ni Gil Tejada.

Kumusta naman ang muli nilang pagtatambal ni Jeric, na matagal na rin silang nag-simulang mag-taping dahil in two weeks time, magsisimula na silang mapanood.

“Kung dati po, noong ginawa namin ang Ika-5 Utos, hindi kami masyadong nag-uusap, ngayon naman ay comfortable na kaming magkasama, halos four days a week ay nagti-taping na kami mula umaga hanggang gabi magkasama na kami sa set. Minsan nga, kahit wala po akong taping pumupunta ako sa set, para may interaction pa rin ang characters namin, kahit si Jeric lamang ang kinukunan.”

Hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career niya dahil four years ago pa nang manalo siya sa StarStruck 6?

“Hindi po naman dahil after ng talent artista search, nagkasunud-sunod na rin ang projects na ibinigay sa akin ng GMA, bukod sa mga serye na nakasama ako, nagbibida rin ako sa ibang shows like sa Magpakailanman. Ang totoo po, thankful ako na nakagaganap ako ng iba-ibang roles. At ngayon nga, lead roles na ang gagampanan ko rito sa Magkaagaw.

Paano na ang dream niyang maging beauty queen?

“Naroon pa rin po ang dream kong iyon, pero I’m still young kaya gusto ko na munang i-prioritize ang acting career ko, marami pang time kasi I’m only 20 years old now. Marami pong paghahanda ang gagawin ko if I join the beauty contest kaya saka ko na iyon bibigyan ng tamang oras.”

-Nora V. Calderon

Tags: Klea Pineda
Previous Post

General Trias City, kampeon sa Estavillo tilt

Next Post

Bawal Matalo

Next Post
Aksiyon sa UAAP, sasambulat sa Big Dome

Bawal Matalo

Broom Broom Balita

  • Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
  • Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon
  • JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH
  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
  • Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

December 10, 2023
Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

December 10, 2023
JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

December 10, 2023
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.